Aries POV Ang laki ng tampo ni Thany sa ginawa ko. Ang gusto ko lang kasi ay wag pagsamantalahan ang kahinaan nya, may sakit pa sya at ayokong magsisi sya bandang huli. Gusto kong mahalin nya ako bilang Aries hindi bilang asawa na di nya matandaan. Ayoko sanang iwan sya na may tampo sa akin kaya lang biglang tumawag ang Boss namin at kailangan nya ako,may mga kalaban na naman sya kaya naman napilitan akong umalis. Halos dalawang araw din kami sa islang yun. Tagumpay ang lakad namin, kaya ng bumalik kami ay pinili kong umuwi ng bahay. "Letlet saan si Ate Thany mo? tanong ko sa kapatid ko dahil naabutan ko syang kumakain mag-isa. Mugto ang kanyang mga mata. Bigla nya nalang akong niyakap at umiyak ng malakas. "Kuya umalis sila ate Thany at Tami, ang sabi nya ay may bibisitahin lang sil

