Aries POV Akala ko katapusan ko na. Hindi ko akalaing magagawa ni Boss Brent sa akin yun. Talagang galit na galit sya sa nangyari kaya pati ako kaya nyang dispatchahin. Hindi ko alam kung bakit sagad sa buto ang galit nya kay Captain Yessa. Gusto nyang gahasain ko muna ito bago patayin. Na hindi ko naman ginawa. At yun ang kinagalit nya sa akin. Kaya pati si Thany nadamay dahil dun. Mamamatay tao lang ako pero hindi ako rapist... Nagawa ko na minsan na angkinin ang babaeng hindi naman sa akin at lubos ang pagsisisi ko noon. Kahit anong hanap ko sa babae ay hindi ko na nakita pa, ang tanging alam ko lang ay nobya sya ni Greg na kakambal ko pala. Ayokong makasira ulit ng relasyon kaya naman pinilit kong maging legal kami ni Thany bago may mangyari sana sa amin. Kaso hindi na rin mangyayar

