Beth POV "Baby sorry baka hindi ko na matupad ang pangako ko sayo. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kayo ng pangalawang anak natin. Salamat sa Maykapal dahil tinupad nya ang hiling kong bago ako mawala ay may maiwan na makakasama mo. Sana gumaling ka na rin. Sana maalala mo rin ako. Kahit huli na para sa atin. Tyrone!!!! Napabalikwas ako. Dio's ko po bakit ganun ang panaginip ko??? Mabuti nalang wala na sa tabi ko si Aries kasi nakakahiya sa kanya kung ibang pangalan ng lalaki ang sinisigaw ko sa panaginip... Pero ano yung sinasabi nya bakit ang gulo??? Mukhang sasakit na naman ang ulo ko nito. "Good morning Mami" si Tami. Hinalikan nya pa ako sa lips. "Good morning din baby liit" pinupog ko naman ng halik ang pisngi nya at sa leeg. Natigil lang ako sa ginagawa ko ng

