Tyrone POV "Bro anong plano mo?" si Marius "Sa totoo lang bro hindi ko pa alam ang gagawin. Gusto ko sanang makausap muna si Aries kung anong tunay na nangyari" sagot ko "Mahirap ang sitwasyon mo bro kasi hindi ka nya matandaan, at ang asawa na kilala nya sa ngayon ay si Aries, mas maganda pa nga kung amnesia nalang kasi may posibilidad na bumalik. Yang sakit nya hindi na magagamot, maiiwasan lang di lumala pero walang cure." si Greg " Greg bro pwede bang pakibigay to sa laboratory nyo gusto kong malaman kung anak ko nga si Tami. Ramdam ko namang akin sya pero para na rin makasigurado." sabay abot ko ng buhok ni Tami sa kanya. Nagtataka siguro kayo kung paano ako nakakuha??? "Wow bro bilis ah may buhok kana agad ni Tami. Wag mo sabihing binunutan mo ng buhok ang bata?" Takang tanong n

