Hindi malaman ng iilan sa mga kasapi ng konseho na may nagaganap na mga pag-aaklas sa kanilang hanay na mga Red Vampire at sa pagkakaroon ng mga bagong paksyon na kinabibilangan ng dating namu muno sa konseho na kinabibilangan na si Parris.
Siya ang dating pinuno ng mga konseho na pinalitan ng mga red vampire sa pangalaga ng mga magulang ng mag-kapatid na Baldassare at Dawn.
Ang ilan sa mga tumiwalag sa pamumuno ng kanilang Prinsipe si Clemente. Ang mga tumutol sa pakikipag-isa sa isang pinaka maka pangyarihan ng mga good vampire. Sa katauhan ng ama ni Callidora ito ang pagkakataon ang siyang naging hudyat na gamitin ang mga nadarama ng ilang mga kasama nito na gamitin ang mga hinanakit sa kanilang pinuno upang umayon ang iilan sa mga kasapi na sumama sa panibagong paksyon sa ilalim ng pamumuno ni Parris.
Tinawag ng pinuno ang kanilang hanay na mga Mandirigma. Naniniwala ang pinuno na ito sa bawat hanay na kanyang mga kasama ay mga mandirigma sa ikatatag ng kanilang lipi. Dahil dito ang pinuno na si Parris ay walang pag-aalinlangan na agawin ang pamumuno dito sa kanilang Prinsipe na siya ang tunay na dapat manggalaga sa kanilang hanay na mga Red Vampire.
Ngunit ang iilan sa mga kasama dito ay muling hinikayat nj Parris na sumama at sumanib sa kanilang hanay upang ma pangalagaan ang kanilang lahi, sa pamamagitan na walang sinuman na maaring humadlang sa kanilang mga gagawin.
Dahil dito nakarating sa kaibigan ng Prinsipe ang hakbang na ginawa ng dating namumuno sa kanilang konseho na si Parris. Kaya agad siya nagpa alam sa mag-kapatid na Baldassare at Dawn upang isa-ayos ang mga problema na dulot ng pang aaklas ng dating namumuno sa konseho at mga kasama. Upang alamin ang katayuan ng mga natira mga kalahi sa puod ng red vampire.
Batid ng mag-kapatid na mas lalong magiging malalim ang problema sa pagitan ng mga dating kasamahan nito, na ipagpatuloy ang mga maling paniwala ng iilan na magiging mas malakas ang kanilang hanay sa oras na sila ay bumababa mula sa kanilang puod, patungo sa mundo ng mga mortal. Kung saan makaka inom sila ng mga dugo na nagmumula sa tao. Dahil dito ang bawat na nilalang sa mundo ay mag kakaroon ng hindi pagkaka unawaan na ma uuwi sa isang malaking digmaan ng mga tao o mga nilalang may malakas na ka-pangyarihan.
-----
Sa puod ng Red Vampire
Ang iilan sa mga kasapi ng mandirigma ay natigilan sa nakita, ng pumaruon ang pinuno ng mga sundalo ng Red Vampire upang alamin ang dahilan ng pag kakaroon ng pag-aaklas sa kanyang mga tauhan at iba pang mga kalahi nito.Dahil dito nais kausapin ni Nexus ang bagong pinuno ng red vampire ng mga mandirigma na si Parris at itanong ang dahilan sa kanyang ginawa.
Habang papalapit ang binata si Nexus batid niyang may iilan sa mga kaaway nito ang nagbabalak na sumalakay sa mga sandaling iyon, batid niya ang iilan sa mga ito ay nag-eespiya sa labas ng hanganan ng kanilang trangkahan. At tanging segundo na lamang ang natitirang oras para sa binata upang maka-usap ang dating namumuno sa konseho at ipaliwanag sa mga tumiwalag na hindi maari na maging dalawang paksyon ang red vampire. Sa dahilan maaring mapahamak ang iilan sa mga kalahi nito. Dahil dito na minarapat ni Nexus ang bilisan patungo sa puod ng dating namumuno sa konseho upang ipaunawa sa mga ito ang mga bagay-bagay na maaring mapahamak ang iilan sa mga kasama nila na mga bampirang pula.
At maari din maging dahilan na malaman ng iilan sa mga kasama nila na magkaroon ng dalawang pangkat ang kanilang hanay. At maaring maging dahilan ng ibang pangkat na magkagulo ang kanilang na simulang mga pagplano na magkaroon ng tahimik na pa mumuhay kasama ang ibang kalahi na bampira na mumuhay kasama ng iilan na naninirahan sa mundo ng mga tao at mga lobo.
------
House of Amethyst
Sa tahanan naman ng babaing mangkukulam, ang prinsipe ay nanatili sa puod ng babaing nanakit sa kanyang mahal na si Callidora nais nitong malaman ang lunas para sa kanyang mahal na ngayon ay nakaratay sa kanyang silid kasama ang mga tauhan at pinsan na siyang tumitingin dito, habang abala siya sa paghahanap ng lunas para sa kanyang mahal.
Bagama't alam ng dalaga ni Amethyst na nanatili lamang ang lalaking kanyang iniirog ay sa dahilan nais alamin nito ang lunas na idinulot nito sa dating pinaka matalik na kaibigan. Dahil dito mas lalong nanibugho ang damdamin ni Amethyst sa lalaking kasama nito dahil sa hindi niya makuha ang loob nito pati ang puso ng pinaka mahal na lalaki na si Clemente kaya mas lalong nanaig sa isipan ng dalaga ang pa hirapan ang babaing iniibig nito. At nais niyang magkaroon ng masayang memorya sa lalaking mahal niya. "Lahat ay aking gagawin mapa sa akin lamang ang katawan ng lalaking mahal ko, hindi ko man ma angkin ang puso't isipan nito. May paraan pa ako na hindi kayang tanggihan ng isang tulad nito na isang adan. Alam ko kabaliwan man ang matatawag ng ibang tao sa akin ay wala na akong magagawa, dahil nagmahal lang ako at sinunod ko lamang ang aking puso na magmahal at sa piling ng aking iniibig."
Sa bawat nagdaan ng ilan mga araw at oras ang binata ay nanatili lamang tahimik at malikot ang mga mata, nais pag-aralan ang bawat galaw ng dalaga si Amethyst nais nitong alamin ang mga ginagawa lalo na kapag ito ay nagtutungo sa isang silid kung saan naruon ang mga kasangkapan na ginagamit sa pangkukulam at mga medisina na ginagawa nito. Alam ng prinsipe na may pang lunas na maaring makapag balik ng ulirat sa babaing kanyang iniibig. At ang pagkakataon na kanyang hinihintay na maisa katuparan nito ang balak.
Batid ng prinsipe na may paraan na masila niya ang babaing mang kukulam na si Amethyst. Alam niya na hindi siya sasaktan ng babaing kasama sa loob ng tahanan ng mambabarang. Dahil sa laki ng pagmamahal nito sa kanya, at kailan man hindi gagawa ang dalaga na masaktan siya physically. Pero sa puntong iyon alam nito na may itinatagong lihim ang dalaga sa kanya, batid sa kilos at gawi nito. Hindi siya maaring mag kamali sa kanyang na raramdaman. May binabalak ang dalaga sa kanya. At iyon ang dahilan kung bakit tahimik ang binata si Clemente habang naruon sa loob ng tahanan ang dalagang si Amethyst.
Habang abala ang mga kasamahan ng red vampire sa pakikipag dayalogo sa iilan mga kasama. May mga kalaban na unti-unting pumapasok sa loob ng trangkahan, batid ng iilan na abala ang mga red vampire sa pakikipag usap sa mga tumiwalag na mga kasamahan. At dahil dito na pasok ang puod ng mga red vampire sa pangunguna ng pinuno na mga kalaban na mga lobo. Ang iilan sa mga ito na tinatawag na mga Oroboten sila ang mga nanguna sumalakay sa puod ng mga red vampire sa mga sandali abala ang pinuno ng mga mandirigma ng red vampire sa pakikipag usap sa iilan mga kasama na tumiwalag sa ilalim ng pamamahala ng prinsipe at ngayon ay kasama na nito ang mga taksil sa kanilang hanay sa katauhan ng dating namumuno sa konseho na si Parris.
Alam ng mga Oroboten na mahihina ang mga naruon sa loob ng mga puod ng red vampire. Ibig sabihin nito na kayang talunin sa labanan ang mga bampira at maitakas ang mga kalahi nito na bihag ng mga red vampire. At ginamit nila ang araw na iyon, upang itakas ang mga kasama sa mga red vampire at maka ganti sa mga bampira na paslangin ang kanilang mga mahal sa buhay ng mga panahon na namatay ang kanilang pinuno sa katauhan ng mga magulang ng magkapatid na Baldassare at Dawn.
Dahil dito nakatatak sa kanilang mga isipan ang mga pangyayari iyon na mag higanti sa mga bampira na minsan naging kasama nila ng mga panahon na maayos pa ang pamumuno sa ka tauhan ng mga magulang ng mag kapatid na Baldassare at Dawn.
Itinakda ng mga Oroboten na mag espiya sa labas ng trangkahan ng mga bampira, upang maisa ayos ang Plano sa paglusob sa puod ng red vampire, alam ng iilan na palaging lumalabas ang pinuno dito at tanging na iiwan lamang ang pinuno ng mga hukbo ng red vampire sa katauhan ni Nexus.
Sa pagkakataon din iyon nalaman ng mga Oroboten na wala sa naturang puod ang pinuno ng mga bampira kasama nito ang prinsipe ng red vampire upang samahan ito sa panahon na mani ningalang pugad sa minamahal ng prinsipe at iyon ay si Prinsesa Callidora isang magandang dilag na mga mabubuting bampira. Na ninirahan sa puod ng mga tao ang Lugar ng Petrograd kung saan dito nakilala ang dalaga ng mga panahon ay maayos pa at hindi sinasakop ng mga ibang dayuhan.
Dito nag pasiya ang pinuno ng oroboten na sumalakay sa puod ng mga bampira pula sa panahon, na wala ang pinaka pinuno si Prinsipe Clemente at maging ang pinuno ng mga hukbo. Batid ng kalaban na madali nilang makuha ang ilan sa mga kasama na bihag ng mga bampira pula. At masalakay ang puod ng iilan bampira na mahihina, upang ma ipag higanti ng mga lobo ang kanilang mga kalahi sa kamay ng kanilang mga kalaban bampira. Sa panahon na sila ay inataki ng mga ito sa kanilang mga tirahan. At magpa sa hanggang ngayon ay nanatili ang ilan sa kanilang mga kasama na maging tahimik, ngunit sa kabila ng walang imik o pag kilos sa mga kalaban nito. Tahimik lamang na nag mamasid sa ka layuan ang mga lobo sa kanilang mga kalaban na mga bampira. Pinag-aralan ng mga ito ang mga kilos ng kalaban at maging sa mga pinuno dito, upang sa gayon madali nila ito atakihin at makuha ang iilan sa mga nakuha nito na mga kaibigan at kasama na bihag ng mga bampira ng mga panahon na pumanaw ang kanilang pinuno sa pangu nguna na Ina ng mag kapatid na Baldasare at Dawn. Ang panahon na iyon ang siyang ginamit na salakayin ang mga lobo, sa pag-akala ng mga kasama na nagtaksil sa konseho na patayin ang mga bampira na may kinalaman sa pag-aaklas ng iilan sa mga kasama nito
Maririnig ang mga alulong. ng mga lobo na hudyat sila ay naka pasok sa puod ng mga bampira. Ito ang hudyat na nagsasabi na maaring sumalakay ang iilan sa mga kasama nito na nagtatago lamang sa mga puno at ang ilan sa mga lobo ay nasa loob ng trangkahan ng mga pulang bampira, ang iba ay nanatili malapit sa labasan.
Dahil dito, hindi maka paniwala ang pinuno ng mga sundalo ng mga bampira na sila ay sinalakay ng mga lobo, batid niya na malakas ang loob ng iilan sa mga lobo na sumalakay sa puod ng mga bampira, dahil sa pangyayari iyon ang natira lamang sa kanilang puod ang mga mahihina at mga mababang uri ng bampira. Hindi malaman ng pinuno na mga sundalo kung paano niya maisasalba ang iilan sa mga kalahi niya sa puod nila.
At dahil dito mas minadali niya ang pakikipag usap kay Parris at tanging nasa isip niya na hilahin sa pala pulsuhan si Parris upang madala ito sa puod ng mga red vampire. At ipakita dito ang mga nagaganap sa pagitan ng mga naiwan na mga kalahi nito na lumalaban sa mga lobo. Dahil dito walang nagawa si Parris kundi ang sumama dito, dahil mas malakas ang pinuno ng mga sundalo ng mga red vampire kumpara sa lakas ni Parris.
Nakita niya ang iilan sa mga kasama na mga mababang uri ng bampira pula na lumalaban sa mga lobo, nakikipam buno sa malalaking lobo kumpara sa katawan ng mga kalahing bampira. At hangang sa na itakas nito ang mga naka kulong na mga bihag na mga lobo. Dahil dito mas naging pangahas ang pinuno ng mga sundalo ng red vampire sa mga tumiwalag na mga kalahi nito. Pinarusahan niya ang ilan sa mga sundalo na sumama sa pag-aaklas ng iilan na mga kasama. Nais niyang turuan ng leksyon ang pinuno na si Parris upang hindi pamarisan ng iilan sa mga kasamahan na magtayo ng sariling hukbo.
Sa parteng iginawad ni Nexus sa mga nag-aklas na mga sundalo at iilan sa mga kasapi ng konseho na ibaba ang kanilang hanay sa pinaka mababang uri ng mga bampira. Kung saan isasama sila sa mga preso na naka gawa ng malaking pag kakasala sa kanilang lahi. At ang pinuno na si Parris ay kinuha ang bagay ng isang bampira, ang kanyang mga pangil. Binali ng pinuno ang naturang mga ngipin nito na kailanman ay isa na lamang alipin ng kanilang lahi. Ipinagbabawal ni Nexus na maki halubilo sa mga bampira ang kawawang si Parris. At ang iilan sa mga sumunod dito na mga kasapi sa hukbo na pinamamahalaan ni Nexus ay katulad din ang ginawa sa pinuno na si Parris.
Dahil dito may iilan sa mga mababang uri ng mga bampira ang tumaas ang kanilang estado sa kanilang pamumuhay sa loob ng puod na mga bampirang pula. Ang mga nakipag buno sa mga lobo, itinaas ni Nexus na taga pamahala sa loob ng piitan ng mga bampira pula. Sa mga dating alipin naman na nagsilbing taga pag bigay ng lunas sa kanilang kapwa bampira, ang siyang iniaangat sa kanilang antas na taga pangasiwa ng mga pagkain ng mga preso sa loob ng puod na bampira na pula.
-------
Sa kabilang banda naman ang mga lobo ay nagka sayahan sa puod. Dahil sa kanilang Plano na maging matagumpay sa paglusob sa mga kaaway na bampira. Isang kasiyahan para sa mga kalahi ng magkapatid na Dawn at Baldassare na matagumpay nilang nakuha ang mga kalahi sa puod ng kalaban. At sa pangyayaring iyon, tila lumabas sa puod ng mga lobo ang pinaka matanda sa kanilang lahi na mag wika "masaya na kayo sa natamong tagumpay na inyong na kasama muli ang mga kaibigan, at kapamilya ninyo. Hindi ninyo ba nalaman o na iintindihan ang ginawa ninyong pagligtas sa mga dating kaibigan, kapamilya ang siyang umpisa ng digmaan na mga lobo at bampira." Ani ng matandang si Apo Lakay.
Batid ng ilan sa mga naruon na may senyales na maaring makapag dulot sa pagitan ng mga lobo at bampira. Dahil dito hindi maiwasan ang magtanung sa kanilang apo Lakay kung ano ang ibig sabihin sa tinuran nito. "Ang mga kapamilya, kaibigan na nakuha ng mga bampira nuon pa ay wala na sila. Ibig sabihin namayapa na ang mga kaibigan, kapamilya. Hindi sila ang dating mga kalahi natin. Sila ay mga bampira na kasapi o kapamilya na. Sila ay mga kasapi na bampira pula. Ang ibinalik niyo dito ay mga kaaway ng ating lahi. Ngunit sa kabila nito na nangyari kunin ang Ilan sa ating mga mahal sa buhay na maging bihag ng ating mga kaaway, hindi sila sumalakay sa ating puod ng mahigit limampung dekada, habang kasama ninyo ako. Ibig sabihin nito, tayong mga lobo ay magkakaroon ng lamat sa iilan na mga kalapit na barangay at maaring lumayo sa atin, pangilagan ng iilan sa mga naging malapit sa atin lipi. Maaring gumawa ng hakbang ang pinuno ng mga bampira na lusubin at lahat ay tayo mawawala ng isang iglap lamang dito sa ating puod. Kung tutuusin wala tayo sa kalakingkingan sa kanilang lakas bilang mga kaaway. Oo may pangil din tayo, ang ating katawan ay nagbabagong anyo bilang isang mabangis na lobo. Ngunit kumpara sa lakas at bilis ng mga bampira sa ating mga lobo ay wala tayong panama sa kanilang kakayahan. Sana nag-isip kayo ng maraming beses sa paghihiganti sa mga nilalang na kanilang pinaslang na ating mga mahal sa buhay, ang hindi niyo nalaman na mas malakas pa sa atin mga lobo ang mga bampira. Sana sumangguni muna kayo sa akin at sa mga nakakatanda sa ating lahi. Dahil diyan hindi natin alam. Kung kelan sasalakay ang kalaban."
Lahat ay nabalisa sa mga tinuran ng pinuno ng mga lobo si Apo Lakay. Lahat ay na tahimik sa mga binitiwan ng kanilang pinuno si Apo. Hindi maiwasan ng iilan na mangamba sa kanilang hanay na sumalakay ang mga bampira pula sa kanilang puod. Agad nag patawag ang pinuno ng mga mandirigmang lobo sa iilan mga tauhan nito na mag masid sa loob at labas ng kanilang puod. Mag matyag sa mundo ng mga tao. Upang sa ganun mapag aralan ang mga gagawin hakbang na mai takas ang ilan sa mga kalahi na mahihina na mga lobo.Ilalayo sa maaring kahitnatnan na padalos-dalos na pagdedesisyon ng pinuno na mandirigma ng mga lobo. Dahil dito muli nagsalita ang kanilang Apo Lakay sa namumuno sa mga mandirigma na mga lobo, "hindi mo maari na alisin ang mga kalahi mo sa ating puod." Ngunit hindi maunawaan ng pinuno na mandirigma si Elias kung bakit tumutol ang kanilang Apo sa kanyang desisyon. Samantala iyon ang mas makakabuti sa kanilang mga kasama na mahihina. "Papaano ninyo nasabi na hindi maari alisin ang mga kasama natin?" Ani ni Elias sa kanilang Apo sa kanilang puod.
"Hindi mo batid na kapag umalis sa ating tirahan ang mga kasama natin mga lobo at lumipat ng tirahan. Sa palagay mo ligtas ba sila sa maaring paglipatan sa ating mga kalahi." Apo
Nagpalakad-lakad muna si Elias patungo sa kinaroroonan ng mesa ng kanilang Apo tila malalim ang nasa isip nito. Tila naunawaan ng pinuno ng mandirigma ang tinuran ng kanilang Apo Lakay sa nais iparating sa kanya. Ngunit nais pa din niya na maka siguro sa kaligtasan ng kanyang mga kalahi na maitago ang mga kalahi nito sa isang Lugar na maayos na maka pamuhay na kasama ang mga tao. Nais ni Elias na manatili muna ito sa puod ng mga tao, sa Lugar na hindi kilala ang kanilang lahi. Batid niyang ma panganib ang kanyang magiging desisyon sa kanyang kapwa kalahi, at tanging iyon lamang ang kanyang nakikita na solusyon sa kanyang lipi na manatili na magkaroon ng mga lipi sa mga batang musmos pa lamang na maaring maging isang mahusay na mandirigma pagdating ng araw na sumapit bilang isang tunay na ganàp na lobo. Dahil dito ipinasiya ng pinuno na atasan ang isa sa kanyang kanan kamay na maghanap ng isang Lugar na maaring tirahan ng kanilang mga kalahi kasama ang kanyang pamilya.
Magkakaroon ba ng solusyon ang hinaharap na problema ni Prinsipe Clemente sa kanyang minamahal na si Prinsesa Callidora o mananatili siya sa tahanan ng babaing mambabarang.
Kaya't muli po natin paka tutukan ang kwento na ito sa buhay ng Red Vampire.