Alfonso panganay na anak ng mag-asawang baldassarre at olga. May maamong mukha at may malakas na karisma sa mga kadalagahan.

849 Words
Sa likod ng maamong mukha ni Alfonso may nakatagong lihim sa likod ng mukha nito. Kung ano iyon?. Mas mainam sundan natin ang story ni Orfeo. Sa mga ipinapakita na pag-uugali ng panganay na anak nila Baldassarre at Olga sa kanilang pamilya at mga kalahi nito, ipinapakita na isang huwarang anak sa kanyang mga magulang. Subalit sa isip nito "hmm, okay lang na magpanggap sa harap ng mga kaibigan at pamilya." Hindi matanggap ni Alfonso na palaging pinapaboran ang bunsong anak sa lahat ng aspeto na ginagawa nito. "porke't ako ang panganay sa aming magkakapatid ay palagi na lamang magpaparaya sa aming bunso. Hindi ba pwedeng ako naman minsan ang paboran niyo Ma, Pa!" "Alfonso ang boses mo, pinagtataasan mo ba, kami ng iyong ina at sa lahat ng aming ginagawa para sa inyo. Hindi ba pwedeng magparaya ka sa iyong kapatid. Alam muna naman na mahina ang nakakabatang kapatid mo. At ikaw ikumpara mo sa iyong katawan. Sa katawan ng kapatid mo kulang siya ng lakas na maihahalintulad ng sa inyo ni Eliseo." Baldassare Bagama't napapansin ng kanilang Ina si Olga ang nagiging ugali sa mga araw na nakalipas na unti-unting nagbabago ang ugali ng kanilang panganay. At tila nakikita nito ang pagka bugnutin nito na palaging nakasimangot kapag nautusan ng kanilang ama sa mga gawain sa loob ng kanilang tahanan. Palaging nakasimangot at napapadalas ang pagtaas ng boses nito. At iyon ang ipinagtataka ng ilaw na tahanan na mga Vampire Family sa mga sandaling iyon. Ipinatawag niya ang kanyang anak na panganay sa kanyang ikalawa si Eliseo na tawagin ang kuya nito. "Bro, tawag ka ni Mama." Eliseo. Sa halip na sumagot ang panganay, tila nakatitig ito sa kapatid na si Eliseo. "Bro, tawag ka ni Mama. Sumunod ka na lamang. Huwag mo akong titigan. Alam ko na mas hamak na magandang lalaki ako keysa sa inyo ni Orfe." Eliseo "Bw*s*t ka, lumayas ka sa aking harapan. Bago pa mag-init ang ulo ko sa mga sinabi mo. Tsk, alis dyan." Alfonso Sumunod ang panganay sa tinuran ng kanyang kapatid si Eliseo. Batid din nito na may pagtatampo din ang kapatid sa mga magulang nito. Nakita ni Olga na papalapit ang kanyang panganay na anak, habang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Parang pinag-sakluban ng tadhana sa mga nangyayari sa buhay nito. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" Wika ng kanyang Ina. Ngunit hindi pinansin ang sinabi ng kanyang Mama sa kanya. Patuloy na umupo ito sa harap ng kanyang ina sa may sala. "Pinatawag daw po, niyo ako." Tumango ang kanyang ina bilang tugon sa kanyang anak na tinuran. "Nais sana kitang makausap, tungkol sa kapatid mo si Orfeo." Olga "Para ano pa? Pagagalitan niyo ako dahil sa inasal ko sa inyo." Alfonso "Maunawaan mo sana, Alfonso ang aming ginagawa sa inyong magkakapatid para sa ikabubuti nating lahat ang ginagawa ko. Hindi ibig sabihin na paborito namin ang inyong kapatid. Ang nais ko lamang na maunawaan mo, na kaiba ang inyong kapatid. Kumpara sa inyo ni Eliseo. Alam mo kung ano ang aking sinasabi." Olga. Ngunit hindi maunawaan ng binatang si Alfonso ang nais ipaunawa ng kanilang ina. Sa kabila ng lahat na kanyang ginagawang pang-uunawa sa kanilang bunsong kapatid. Nais nito na ipaliwanag ng maayos, sa kanilang dalawa ni Eliseo ang tungkol sa kanilang kapatid na si Orfeo. Batid ng binata na may itinatagong lihim ang kanyang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Kaya palaging mailap ang mga mata ng kanilang mga magulang sa pagpapaliwanag tungkol sa kanilang bunso. ----- Baldassare Alam kong nakakatunog na ang aming panganay na anak na si Alfonso sa kanilang nakakabatang kapatid. Palaging nakamasid ito sa mga kilos ng kanilang ina. Tila alam ng panganay na anak namin na may pinapaboran ang aking mahal na si Olga sa kanyang anak. Kahit ako na kanyang bana ay napapansin ko din ito sa aking mahal na si Olga. Mas nakikita ko na malapit siya sa bunso naming anak na si Orfeo kaysa sa kanyang dalawang anak na sina Alfonso at Eliseo. Bagama't alam nito ang ginagawa ng kanyang mahal sa kanilang bunsong anak ang maprotektahan lamang sa mga kalahi naming bampira. Dahil sa lihim ng aming pamilya, kung bakit nagkakaganito ang aming mga anak na mainggit sa ipinapakita nitong pag-aaruga sa lahat ng aspeto na kinakailangan gabayan sa pang-araw -araw na gawain sa loob at labas ng aming tahanan. Ang aming bunso na si Orfeo. Palaging nakasunod ang aking mahal sa bunso naming anak. Kaya't ito marahil ang nagtulak na maiinggit ang aming panganay sa mga nakikita nitong pag-aalaga ng kanilang ina sa nakakabatang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD