Unknown Character

2692 Words
Nakikita ko na ang tadhana sa dalawang nilalang na nagmula sa mundo ng mga Red Vampire, Sila ang magiging tampulan ng iilan sa mga kalahi nila ng usapin hinggil sa kanilang natatanging ka-pangyarihan taglay. Batid ko nuon pa man na ang isa ay tila mapapariwara sa mundo ng mga mortal at ang isa naman ang siyang maghihirap sa mga pasakit na ibinigay na parusa ng isa sa mga kalahi nito. Makikita sa aklat ng talaan na magbabago ang mga naka saad sa lahi ng Red Vampire at iilan sa mga kalahi nito. Maging ang mga Lobo ay mapapa sama sa pagbabago ng talaan ng mga nilalang may angkin ka-pangyarihan taglay. Base sa bawat araw na makakasama ng mag-kapatid ang kanilang pinsan si Clemente ay mag babago nang hindi inaasahan ang pakiki tungo sa iilan na nakaka kilala sa mga ito. Batid ng iilan na tila may nakitang pagbabago buhat ng ito'y bumababa ang kaniyang mga pinsan sa mundo ng mga tao. Nakita ng pinuno ng Red Vampire na naging abala ang iilan sa mga gawain sa loob ng kanilang puod. Dati rati ay maayos ang mga kalahi niya habang naruon sa loob ng kanyang pangangalaga ang mag-kapatid, Sa tingin niya na kinatatakutan ng mga kalahi niya ang mag-kapatid. Dahil dito tila nagkaroon ng agam-agam ang binata sa kanyang mga nasasakupan na mag masid sa loob at labas, hindi na siya nagdalawang isip na ipag paliban ang mga nangyayari sa kanyang puod, alam niya na may ginagawa ang iilan sa mga kasama niya na isang lihim na maaring mag pabago sa iilan lalo na sa mga tiwaling opisyal na ngayon ang iilan ay aktibo at kasama sa loob ng puod. May hinala ang binata na ang iilan sa mga kalahi nito, na nagkakaroon ng lihim na ugnayan sa ibang pangkat na mga bampira na hindi kasama sa loob ng puod na kanyang pinama mahalaan. Batid niyang may ginagawang hakbang ang iilan dito. At iyon ang naging sapantaha ng binata si Clemente. Hanggang sa na balitaan nito na may iilan sa kanyang kawani sa konseho, tila nagbabalak mag-aklas sa pamumuno ng binata, maraming hinaing na kanyang naririnig, buhat ng lumisan ang mag-kapatid. ______ Habang ang iilan na taga lupa, ay abala sa mga kasiyahan na darating. Ang pagkakaroon ng isang piyesta sa kanilang patron na sa tuwing sasapit ang ika tatlong buwan ng pangkaraniwan panahon para sa mga mortal. Ang panahon na ito ay pagtatakda na mamanhikan ng binatang si Clemente sa mundo ng mga mortal. At ang dalagang si Callidora ang siyang magiging susi ng mag-kapatid at sa lahi ng mga bampira. Siya ang magiging gabay ng mag-kapatid sa mundo ng mga mortal At siya din ang magbibigay katuparan sa pangarap ng lalaking kanyang iniibig sa katauhan ng pinuno na mga Red Vampire, si Clemente Sa pagkakataon iyon, nasa mundo ng mga tao na ang mag-kapatid kasama ang kanilang pinsan si Clemente, at ang iilan sa mga napili na mga konseho at Gadalka. Batid ng isa sa may pinaka malakas na ka-pangyarihan nilalang ang kasama ng mga mortal at mga kalahi ng dalaga na nagbuhat sa kanilang lipi na good vampire. May isang nilalang na maaring maging hadlang ng dalawang mag kasintahan sina Clemente at Callidora, isang nilalang buhat sa lahi ng mga mambabarang ang siyang magkakaroon ng hindi magandang pangyayari sa araw na itinakda na pag-iisang dibdib ng dalawang mag kasintahan ng mga bampira. Nakikita ng Gadalka na magbibigay ng sumpa sa dalawang itinakda, Ang babaing unang nakilala ng binatang si Clemente sa katauhan ni Amethyst, siya ang magbibigay pasakit at hirap sa pamilya o angkan ng mga bampira. Kasama ang mag-kapatid na Dawn at Baldassare." Kailanman hindi magiging masaya ang bubuiin nitong pamilya, sa katauhan ng dalaga si Callidora." Ito ang binigkas ng isa sa mga Gadalka sa harap ng dalawang nag-iibigan sina Clemente at Callidora. Hindi malaman ng mga taong naruon sa loob ng tahanan ng dalaga si Callidora na magkaroon ng pangitain ang isang Gadalka ng kanilang tribu. Sinaniban ito ng isang mambabarang gamit ang isang black magic na binigay ng matanda sa dalagang si Amethyst. Dahil dito nawalan ng malay ang dalagang si Callidora sa mga araw na ito'y ikakasal sa kanyang kasintahan si Clemente, lahat ay walang magawa sapagkat lahat ng tumitingin dito na mga Doktor ay tila iisa ang kanilang sinasabi na "wala kaming makitang sakit ng pasyente. Maliban sa isang hindi pangkaraniwan na tumubo sa dibdib nito." Isa sa mga Doktor ng mga mortal ang siyang nagbigay ng kanyang resulta sa pagtingin sa doktor. Ngunit may agam-agam ang iilan na may ginawa ang kalaban sa katawan ng dalaga. Maging ang iilan sa mga Doktor sa ibat-ibang nasyon tila iisa lamang ang sinasabi na walang makitang sakit sa katawan ng pasyente. Maliban sa isang itim na tumubo sa dibdib nito, At hinala ng isang Doktor na tumingin dito ang kaibigan ni Clemente si Vrach, siya ang kahuli-hulihan na tumingin dito sa dalagang naka himlay sa silid nito. "Kaibigan, ma tanong lamang may na hawakan ba siya na isang bagay, bago pa magkaroon ng seremonya sa inyong pag-iisang dibdib." Ani ni Vrach sa kanyang kausap na si Clemente. Hindi malaman ng binata kung anong nangyari sapagkat tanging alam lamang niya ay ibinalita sa kanya ng mga taga pangalaga dito na nahimatay ang dalaga at dali-dali siyang pumaruon sa loob mismo sa tahanan ng dalaga. Habang binabalikan ng binata ang nangyari sa mga sandaling iyon na namanhikan siya sa dalaga, napansin niya ang dalagang una niyang nakilala si Amethyst. Tila nagulat ang dalaga sa nakita na magkahawak kamay sila ng kasintahan si Callidora, samantala ang mga mata ng dalagang si Amethyst tila nag-aapoy sa galit ang mga mata nito, at biglang na blanko ang isipan ng dalaga, Hanggang sa nakita niya ang isang Gadalka na may sinabi dito sa dalagang kaibigan ng kanyang kasintahan. Bigla na lamang nawala ang dalaga, walang may alam kung saan nagtungo o kung umalis ba ang dalaga. Alam ng lahat na kakaiba ang dalaga sa mga kaibigan nito tila may kakaiba sa dalagang si Amethyst. At hanggang sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib tila bombang pina sabog ng dalaga si Amethyst ang pagbibigay ng isang regalo dito sa kanyang kasintahan, at nakita niya dito na tila na gulat ang kanyang kasintahan sa isang regalo. Ngunit kakaiba dahil sa kulay nito, nanginginig man tinanggap ng dalaga ang kahon itim na naglalaman ng isang litrato na animoy pinunit nito at may nakatarak na isang tinik sa dibdib ng larawan ng kanyang kasintahan si Callidora. "Naalala ko kaibigan Vrach, isang kahon kulay itim. May kasamang mga Rosas na kulay itim din at larawan ng aking kasintahan si Calli at pansin ko dito isang tinik na naka tusok." Clemente "Na saan ang bagay na iyon. Kailangan kong makita, kung anong bagay ang maaring gamitin sa yong mahal na si Calli." Ani ng doktor na si Vrach. "Hindi ko alam, kaibigan. Maaring na itapon ng mga taga pangalaga nito ang kahon iyon." Clemente "Ipahanap mo sa mga kasama sa bahay, kailangan natin mahanap ang bagay na iyon. At dun lang tayo maari makakuha ng ideya kung anong maari na ibigay sa yong mahal na si Calli. Hindi ako maari magbigay ng anuman kalunasan sa mga pasyente na kagaya nito. Napaka seryoso ng bagay na ibinigay ng may gawa sa iyong mahal. Labis ang kanyang poot na ibinigay sa iyong pinaka mamahal." Vrach Lumabas ang binata na tila parang na buhayan ng pag-asa na muling maibabalik ang kanyang kasintahan si Calli sa mga sandaling iyon. Agad niyang tinawag ang lahat na mga kasama ng dalaga upang ipahanap ang bagay na binigay ng hindi nakikilalang salarin ang kahon kulay itim na Puno ng rosas. Lahat ng naruon sa loob ng tahanan ay nagkanya-kanya takbo sa loob at labas upang hanapin ang bagay na kahon kulay itim. Habang ang mag-kapatid ay tila naka masid lamang sa mga sandaling iyon. Ang iilan na mga kasama na mga Rab ang siyang tumulong na din sa pag hahanap na bagay na na tanggap ng dalaga si Calli ng mga sandaling siya ay ina ayusan ng mga beautician. Baldassare Batid kong mas malakas ang may hawak na ka-pangyarihan taglay ang aking nadarama sa mga sandaling nasa loob ng tahanan ang matandang Doktor na tumitingin sa kasinatahan ng aking pinsan si Clemente. Alam ko na may kasama isang hindi nakilalang nilalang, hindi siya kagaya namin. Isa siyang hindi nakikita na nilalang nagbuhat ang nilalang na ito sa malayong Lugar. Malayo sa Lugar ng Petrograd at ng Red Vampire. Kakaiba siya sa amin, kung aming lahi ay isang bampira kalakasan namin uminom ng sariwang dugo buhat sa mga tao, ang nilalang na aking nadarama sila ang mga nilalang na ipatapon ng lumikha ng langit at lupa. Sila ay may ka-pangyarihan taglay na lakas at kung anu-ano pa, dahil dito isa siya na maituturing kasama ng doktor na tinatawag ng aking pinsan si Clemente na Vrach o Mang gagamot sa mga tulad na babarang o sinasapian ng mga masasama. Isa siyang Quack doctor o mas tamang sabihin albularyo. Dahil dito ang aking kapatid na si Dawn ay tila tahimik sa mga oras na iyon, tanging naka tingin sa dulo ng pintuan kung saan duon nagmumula ang ka-pangyarihan na aking na raramdaman, buhat ng inimbitahan ng aking pinsan na tingnan ang kanyang kasintahan si Callidora. Alam ko na nakikita siya ng aking kapatid na si Dawn sa mga sandaling ito, habang ako ay patuloy lamang sa pagmamasid sa loob at labas ng tahanan ng kasintahan ng aming pinsan si Clemente, samantala ang aking pinsan tila nabuhayan sa pagkakataon iyon na muling manumbalik ang lakas at sigla ng kanyang kasintahan sa oras na ito'y magamot ng Doktor na si Vrach. Dahil dito ang iilan na kasama namin na mga Rab ay tumulong na din sa paghahanap ng bagay na natanggap ng dalaga sa araw ng kanyang kasal sa Prinsipe ng Red Vampire. "Aking kapatid may isang nilalang akong nakikita, bukod sa kasama ng doktor. Kaya lamang sa mga sandaling ito, may hawak siya na bagay na kulay itim na bulaklak tangan nito ang isang larawan." Ani ni Dawn sa kanyang nakaka tandang kapatid na si Baldassare, habang ang binata natulala sa narinig na sinabi ng nakakabatang kapatid na si Dawn. "Anong sabi mo, Dawn. May hawak na bulaklak na kulay itim at larawan, sigurado ka ba sa iyong sinasabi." Baldassare "Hm, sigurado ako. Tsaka malinaw ang aking mga mata, sa mga oras na ito, habang tayo ay nag-uusap. Alam niya na may iba pang nilalang na nagmamasid sa kanya, at hindi ko kilala ang nilalang na nagmamasid. Siguro taga ibang lugar ito, hindi siya katulad natin. Kundi isang nilalang nagbuhat sa malayong Lugar, malakas ang kanyang ka-pangyarihan taglay." Ani ni Dawn sa mga sandaling iyon, habang nag-uusap ang dalawang mag-kapatid. Agad kinausap ng binata ang kanyang pinsan sa pamamagitan ng mental telepathy. " Pumunta ka sa gawing kanan, kung saan naruonsi Dawn naka upo sa bangkito, kung saan may hinala si Dawn na ang may kagagawan ng lahat ay narito lamang sa paligid." Baldassare Agad na nagtungo ang binata sa sinabi ng kanyang pinsan si Baldassare. Nakita nga niya ang kanyang pinsan si Dawn na para bang naka tingin sa labas ng trangkahan ng tahanan ng kanyang nobya. Waring hindi inaalis ang mga titig ng mga mata ng batang si Dawn sa mga oras na iyon, tila "ayun, siya. Isang babae naka suot ng kulay abo ang damit at hawak nito ang kulay itim na Rosas. Bilisan mong maglakad pinsan, maya-maya ay aalis na ito sa kanyang kina tatayuan. Kung nais mo siyang makuha, itong buhangin na ibibigay ko ay iyong isaboy sa puno ng ipil-ipil. Makikita mo ang babaeng na aking tinutukoy, huwag kang pahalata na alam mo, kung na saan ang kalaban." Agad tumalima ang binata sa sinabi ng kanyang pinsan si Dawn, ginawa niya ang sinabi nito, unti-unti siyang naglalakad patungo sa trangkahan. Upang tingnan ang labas kung may mga nilalang na katulad nila, ngunit wala siyang nararamdaman, maliban sa isang nilalang kasama ng doktor na si Vrach. Iyon lamang ang kanyang nararamdaman na ka-pangyarihan, maliban dun ay wala na, at hanggang sa narating niya ang Puno ng ipil-ipil at isinaboy dito ang buhangin na ibinigay ng pinsan nito. Nabigla ang binata sa kanyang nakita, dahil isang nilalang babaeng may hawak na tila larawan ng kanyang mahal at isang na Rosas na kulay itim. Hindi siya makapaniwala na isang may edad na babae ang may hawak ng larawan ng dalaga at bulaklak. "Sino ka?" Ngunit tila hindi sinasadya na maalala ng binata ang babaeng may hawak ng larawan ng kanyang kasintahan. "Ikaw ang matandang mambabarang na gumagamit ng black magic. Ikaw din ang may sala, kung bakit walang ulirat ang aking mahal na si Callidora." Ni isang salita ay walang narinig ang binata buhat sa matanda, bagkus tila umiiwas sa mga tanong na ipinupukol dito. "Kung gayon, wala akong makitang sagot buhat sa'yo, sumama ka sa akin. Gamutin mo ang aking babaeng minamahal, alam ko na alam mo ang maaring ipang lunas sa babaeng iniibig ko. Lalo't ikaw ang lahat ng may kagagawan sa mga nangyayari sa aking mahal." Ngunit umiling lamang ang matandang babae sa Prinsipe ng Red Vampire na siya naman nagpabago sa anyo ng Prinsipe ang mga mata nito tila nag-aapoy sa galit ng mga sandaling iyon. Hindi mawari ng binata na tila pinag lalaruan sila ng matanda na kanyang kaharap sa mga sandaling iyon kausap nito. "Wala ako sa lugar upang lunasan ang kasintahan mo ngayon, sa totoo niyan naparito ako, upang kupirmahin ang aking sapantaha sa mga sandaling ito. Hindi ako ang dahilan ng iyong Galit na maging isang halimaw sa mga oras na ito. Isa nga akong mambabarang, ngunit pinagsisihan ko ang bagay na iyon mula ng maipasa ng aking lahi ang ka-pangyarihan iyon, ay hindi na ako gumamit ng black magic. At tanging makaka gamot lamang sa iyong kasintahan ay ang gumawa nito sa kanya, maliban dun ay wala na. At itong Rosas na iyong hanap at larawan ng iyong mahal, ibinibigay ko ito sa'yo. Hindi para maging gamot alam ko na kasama mo ngayon ang taong kilala na doktor sa buong Lugar natin. Kahit makita pa nito ang larawan at bagay na hawak ko, wala siyang magagawa kundi ang ibigay sa'yo ang pagpapasiya. Iyan lamang ang maaring makapag pabago sa iyong problema." Ani ng matandang mambabarang sa kausap na Prinsipe ng Red Vampire. Hanggang sa umalis ng kusa ang matanda na walang nagawa ang binata na tila sinusundan ang papalayong image ng matanda sa mga oras na iyon , habang tangan sa kamay ang ibinigay ng matanda ang larawan ng kanyang kasintahan at bulaklak na kulay itim. Agad siyang pumasok sa loob ng tahanan ng kanyang mahal, habang tangan ang mga bagay na hawakan nito bago pa simulan ang seremonyas ng kanilang kasal. "Dok, ito na ang bagay na natanggap ng aking kasintahan ng mga araw na isasagawa ang seremonyas ng aming kasal." Baldassare Pinag masdan ng doktor ang mga bagay na hawak ng Prinsipe ng mga bampira. Tila kakaiba ang bulaklak na kanyang nakikita sa mga sandaling iyon, kumpara sa ordinaryo na bulaklak na Rosas. Hindi makapaniwala ang Doktor na tumitingin sa dalaga na may kakaiba sa bulaklak na hawak ng Prinsipe. "Maari ko bang mahawakan ang bulaklak na iyong hawak kaibigan." Ani ni Baldassare. Ibinigay naman ng binata ang hawak nito, sa kaibigan doktor ang hawak nito. Base sa kanyang pag-oobserb sa hawak ng doktor tila pinag-aaralan ang klase ng bulaklak na nagpabigay ng kasakitan sa dalagang si Callidora. Alam ng doktor na may lason ang bulaklak na Rosas sa mga sandaling iyon. Maya-maya ay nagpaalam ang Doktor sa kaibigan Prinsipe ng Red Vampire na siya ay lalabas pan samantala. Upang suriin ang bulaklak na kanyang hawak. Batid nito na sinadya ng salarin lagyan ang buong tangkay ng rosas. Upang kumapit dito ang lason na nakakamatay. Agad nagtungo ang Doktor sa kusina upang ilagay ang bulaklak sa isang malinis na garapon at lagyan ng takip upang hindi mahawakan ng sinuman. Batid ng doktor na nakakalason ang uri ng bulaklak na ibinigay ng salarin. Hinala ng doktor na malaki ang nagawang pagkakasala ng kasintahan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD