Ashton "I want to go home." Mahinang bulong ko pero alam kong narinig ito ng lalaki na nasa aking tabi. "This is your home now." Tugon naman ng lalaki at ipinatong ang kamay sa aking balikat, dahil sa kaba ay mabilis kong itinulak ang lalaki dahilan para mapaatras ito at matanggal ang kamay na nakapatong sa aking balikat. "Talagang inuubos mo ang pasensya ko, babe. I've been good to you, huwag mong hintayin na mapuno ako at baka hindi ka na umabot sa pupuntahan natin." Banta nito at mahigpit na hinawakan ang aking braso. "Ano ba? Bitawan mo ako. Let me go, gusto ko nang umuwi." Reklamo ko at nagwala sa harapan nito, sinubukan kong tanggalin ang kamay nito na mahigpit na nakakapit sa aking braso pero sobrang lakas nito kaya naman sinuntok ko na lamang ang mukha nito dahilan para agad ak

