Ashton Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang maramdaman kong may mabigat na bagay ang nakadagan sa aking katawan. Hindi ko mapigilang mapataas ang aking kilay nang makitang nakadagan sa aking katawan ang braso at binti ni Luciano, para itong tuko na nakakapit sa akin ng mahigpit at parang ayaw akong bitawan. Dahan-dahan kong inangat ang kanyang braso at inalis mula sa pagkakayakap sa aking katawan, nakahinga ako ng maayos nang tuluyan kong maalis ang kamay nito pero hindi pa lumilipas ang ilang segundo ay muli nitong ibinalik ang kamay sa pagkakayakap sa aking katawan, mas mahigpit pa kaysa kanina. "L-Luciano, ang bigat mo." Reklamo ko at tinapik-tapik ang braso nito pero umungol lang ito na parang hindi nito gusto ang ginagawa ko. Napabuntong hininga na lamang ako habang tinitin

