Zie It's already past midnight, nasa labas ng tent pa rin kaming apat dahil wala ni isa sa amin ang dinadalaw nang antok. Maginaw sa labas kaya kapwa kami nakasuot nang jacket, tanging ang bonfire sa gitna naming apat ang nagbibigay init sa aming mga katawan. Sa aming harapan ay mayroong mga pagkain at alak. "Let's play a game." Suhestiyon ni Joe nang maubusan na kami nang pag-uusapan. "What kind of game?" Naka-smirk na tanong ni Nile, may kutob na ito kung anong klase ng laro ang gusto nitong mangyari, parang wala atang ibang laman ang utak niya kung hindi puro kalibugan. Napailing na lamang ako at ibinaling ang tingin kay Ashton na nakayakap ang mga kamay sa katawan pero matamang nakatingin kay Joe at mukhang interesado ito sa larong sinasabi nito, kung alam lang nito ang nasa isipan

