Zie Nang maalimpungatan ako ay ang aking cellphone ang agad kong kinuha at tiningnan kung anong oras na, it's only 4:37 in the morning. Ibinalik ko ang aking cellphone at bumalik sa pagkakahiga, humilig ako para sana yakapin si Ashton nang mabungaran ko ang magkasugpong mga katawan ni Ashton at Joe, napapagitnaan namin ni Nile ang dalawa. Gusto ko mang hilahin papunta sa akin si Ashton ay hindi ko na sinubukan pa dahil sobrang himbing nang tulog nilang dalawa at ayokong maka istorbo lalo na't alam kong hapong-hapo si Ashton dahil sa dare na nangyari sa kanya kagabi na dapat ay sa akin. Hanggang ngayon, I still wonder kung anong nangyari sa loob ng bahay ni Mang Agustin, I mean alam kong may nangyari sa pagitan nila pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit sobrang tagal lumabas ni Asht

