Ashton "Kumusta na siya?" Anas ng isang boses. "Okay lang naman siya, bumaba na rin ang lagnat nito, natutulog pa rin siya hanggang ngayon." Tugon naman ng isa pang boses. Medyo okay na ang pakuramdam ko pero nanatili pa rin akong nakapikit, hindi ako gumalaw sa pagkakahiga ko sa kama at umaktong natutulog pa rin. "Mabuti naman." Dinig ko ang pagbuga ng hangin nang nagsasalita. "Anyway, hindi ko alam kung binabangungot ba si Ashton kanina or what pero nagpapanic kasi ito bro, he keeps on shouting that he doesn't like it, hindi ko naman alam kung anong gagawin ko." Imporma nito sa kausap. Namutawi ang katahimikan sa paligid. Doon na ako unti-unting bumangon at kinusot-kusot ang mga mata, ayokong mag-alala sa akin si Zie, ayokong malaman nito ang nangyari sa akin kanina pero huli na da

