Ashton "Let me help you." Mahinang sambit ko dahilan para magtaas ng tingin si Ron, tumaas ang kilay nito pagkakita sa akin pero agad ding nagbaba ng tingin pagkatapos akong ismiran. "I'm an Assassin, I'm capable of nursing myself but thanks." Tugon ni Ron habang binubuhusan nito ng alak ang palad kung saan tumagos ang bala. Hindi ko mapigilang mapangiwi sa ginagawa nito, ilang sandali pa ay huminto si Ron at kinuha ang damit na nakalatag sa kama at binusalan ang bibig, muli nitong kinuha ang bote ng alak at binuhusan ang palad, halatang nagtitimpi si Ron sa sakit, pinipilit nitong huwag makagawa ng ingay. Hindi ko alam kung bakit nito binubuhusan ng alak ang palad nito pero hinuha ko ay baka dahil ayaw nitong ma-impeksyon ang kamay. "What are you doing here? Lumabas ka na, sundan mo s

