Zie Makalipas ang halos dalawang oras na byahe ay narating din namin ang aming destinasyon, wala pa naman talaga kami sa totoong destinasyon namin pero sa lugar na 'to namin napagkasunduan na magkikita nang makakasama namin ni Ashton sa camping. "We're here." Untag ko kay Ashton na nakapikit ang mga mata, agad itong nagmulat at inilibot ang tingin sa paligid. Nagtataka itong lumingon sa akin, "parang hindi ata magandang magcamping sa parking lot, nasa mall ba tayo?" tanong nito. Napatawa ako sa tinuran nito at mahinang umiling. "Nope, hindi tayo rito magcacamping, dito natin i-me-meet sila Nile at Joe, sila ang nag-imbenta sa akin dito." Tugon ko at lumabas na ng sasakyan, kinuha ko ang bag namin ni Ashton sa likod at isinukbit iyon sa aking balikat. Sumunod naman ito sa akin. Kinuha

