“Ate, sino ang ama ng pinagbubuntis mo?” tanong ni Lando sa akin. Nandito kami ngayon sa hospital at palabas na. Naka-alalay ito sa aking balakang na para bang isa akong mahina na nilalang. “Wag kang OA, Lando! Maka alalay ka naman sa akin, para akong baldado! Ang ama, sino ba ang nachichismis sa akin?” sabi ko. “Ang sungit mo naman, Ate. Pag ang anak mo naging kamukha ko, wala tayong sisihan huh?” pang-aasar pa nito. “Ate, ano ang gusto mo kainin?” tanong ng kapatid ko na pasaway. Hindi ako sumagot, nag-iisip ako kung ano ba ang gusto ko kainin. Pero wala pa naman akong cravings, sa ngayon. “Wala ‘e! Mas gusto kong umuwi at matulog na,” sagot ko dito. Habang nagkukwentuhan kami, napahinto ako sa paghakbang. “Ate, ano ba yun?” tanong ni Lando. “Dito ka muna, wag kang aalis

