Katatapos lang ng seremonyas ng kasal namin ni Jr., kaibigan lang nito na Mayor ang nag kasal sa amin. Walang seremonyas pirmahan lang at anim na kaibigan lang nito ang dumalo bilang witness ang nandoon at wala ang iba pa. Para kaming mga secret lovers na ang drama ay you and me, against the world. Ang problema lang, me against the world ang katotohanan. Dahil ako lang ang may gusto ng kasal na ito. Aminado ako na nasasaktan ako, pero hindi ko talaga kaya na hindi kasama si Jr., para bang mababaliw ako sa sobrang sakit at lungkot. Bumaba kami sa isang malaking bahay. Bahay ito ni Jr., at dito na kami titira simula ngayon. Ang lawak at ang laki ng bahay. Mukhang bagong gawa lang ito, may mga silid sa taas at sa baba naman ay may hiwalay na maids quarter. Ang sala at kusina ay napakalaw

