Nagpasama ako kay Jr., kaya ngayon nandito kami sa puntod ni Mommy. Tahimik ako na nakaupo habang nakatitig sa lupa, kung saan malago na ang damo. Hinahaplos ko ang makinis na itim na bato, kung saan nakaukit ang pangalan ng aking tunay na ina. “Mommy, masaya ka na ba kung nasaan ka ngayon? Proud ka ba sa akin? Alam mo, mula pagkabata, sabik ako sa pagmamahal mo. Lagi ka na lang kasing may ginagawa, kung paano mapapasayo si Daddy Javier. Na alam mo naman na may ibang mahal. Alam mo, sabi ko noon hindi ako gagaya sayo, na masyadong desperada. Na kahit mapabayaan ang anak, okay lang, basta mapansin ka lang ng asawa mo. Pero alam mo, nakakatawa. Dahil may bahagi pa rin ng daan mo, na hindi ko nagawang iwasan. Nabaliw din ako sa lalaking mahal ko at ginawa ko din ang lahat, para mapasa-a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


