“Miss Cornelio, pwede ba na puntahan mo si Javier sa bahay niya? Nag-aalala ako, pero sobrang dami ng mga trabaho na dapat asikasuhin. Baka mamayang hapon pa ako makakapunta doon,” sabi ng matanda. Binuka ko ang aking bibig para sana tumanggi sa matanda. Kaso, biglang naisip ko, nakakahiya na masyado akong bossy kung sasabihin ko na hindi na yun part ng job descriptions ko. “S–Sige po, paano po ba pumunta doon?” tanong ko sa matanda. “Wag ka mag-alala, ihahatid ka naman ng driver ni Javier. Hatid at sundo ka naman, hanggan sa bahay mo, Miss Castillo.” Tumango lang ako sa matanda at ngumiti. Inabot pa nito sa akin ang susi ng silid ng manyak. Wala akong magawa kundi ang lumabas ng building at pumasok sa loob ng kotse, kung saan may matanda na naghihintay sa akin. Ang driver ni Javie

