Nagulat ako sa biglaan na pagdalaw ng aking kaibigan. Araw ngayon ng linggo at alam nito na family day namin, pero nandito ngayon. Kaya't medyo nakaramdam ako naiinis. “How's life?” tanong sa akin ni Rocky, habang magkatabi kami dito sa labas ng bahay. “Medyo okay naman, masaya na kami mag-asawa. Alam mo ba, medyo mas gusto ko ang comeback version ni Jr., ngayon. Madali siyang pakisamahan, at alam mo na, mas wild.” medyo kinikilig na sabi ko. “Akala ko ba, para sa anak lang, hanggang manganak ka, okay ka na?” tanong ni Rocky na ang boses ay parang may diin. “Syempre, dahil dati ay parang walang pakialam sa akin ang asawa ko. Pero ngayon, hindi na.” nakangiti na paliwanag ko dito, sabay hampas sa kanyang braso. Mga body gestures na nakasanayan ko, habang kausap ko ito noon pa man.

