“ARE you really okay?” Armea asked. Pangatlong beses niya na akong tinanong kung ayos lang ako. Nasa pavilion kami. Nagkagulo ang lahat kanina. Mabuti na lang pala at maaga pang umalis ang mga magulang ni Alexis kaya hindi nila nasaksihan ang hindi magandang pangyayari kanina. I’m not crying, but I couldn’t bring myself to calm down. Hindi ko kasi alam kung paano kakausapin si Alexis. Nasabi ko na kina Armea ang lahat ng natatandaan ko kagabi bago ako nawalan ng ulirat. Kaya gumagawa na ng paraan si Gabriel. Pinapa-check niya na ang CCTV. Pero nasa blind spot kasi ako noong nawalan ng malay. Kaya parang wala rin iyong maitutulong. Sana nga lang ay may nahagip sa ibang bahagi. “If you want to cry, just cry. Hindi mo kailangang kimkimin ang nararamdaman mo, Besh. Look at your face, par

