Chapter 1: Broken Hearted

1663 Words
DISCLAIMER: This is a work fiction. Names, characters, songs, businesses, places, events and incidents are either products of the author complex imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead or actual events in real life situation is purely coincidental. “WELCOME TO KLIVEN UNIVERSITY” Iyan ang narinig ko mula sa loob ng unibersidad. Nabanggit ko na halos lahat nang santo pero hindi pa rin ako makaalis sa pwesto ko. Cleomiya Chardeline ano na self? Tanging kabog lamang ng dibdib ko ang karamay ko ngayon. Dug, dug, dug. Baliw na ata ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang humakbang papasok ng gate ng KLIVEN University. Huhu! Bakit ba naman kasi sa dami ng magiging side effect nung pesteng beer na yun, iyon pang sisira sa dignidad ko! ISA KANG BUHAY NA ALAMAT  CLEOOO! Alam ko na kapag itinapak ko ang isang yapak ng paa ko, kalahati na nang kabuhay ko ang nasa hukay. Nakakapanlatang tunay maniwala kayo sa akin! Sasapakin ko ang hindi maniwala. Bakit ba naman kasi pinilit pakong papasukin nung bruhang si Jhea. Alam naman niyang sa unibersidad na ito magwawakas ang pinakamamahal kong buhay. Tangines kasi! Kasalanan ito nung ugok na Zerovin na 'yon! Nakakapanlambot siya ng kalamnan. Para tuloy akong sira dito sa gilid ng gate na niyayakap yung bakal take note naka hood pa ako sa lagay na 'yan. Hige mamaya hindi nako magtataka kung biglang may mga nurse na kumuha sakin dito at dalhin ako sa mental hospital-- nababaliw na ata talaga ko huhu. (FLASHBACK) Break time, kaya tamang kain lang sa cafeteria. NANG MAG-ISA! Loner amputek. May boyfriend nga ako pero lagi namang busy, ngayon nag pm sakin na may gagawin pa daw siya kuno. Phone vibrating-- Biglang nag vibrate yung cellphone ko habang busy ako sa pagkain. Lalamon nalang may iistorbo pa. Kaso pagkakita ko number lang. Unknown: (Hindi ba girlfriend ka ni Zerovin Chan yung ICT student?) Napaisip ako kung sino itong nambulabog sa kalagitnaan ng pagkain ko para lang itanong kung girlfriend ako ni Zero. (Oo, sino ka ba?) huwag n’ya lang sabihin sakin na tipo nya yung boyfriend ko at baka hindi ko na siya paabutin sa hospital ng buhay! Choserang 'to! Phone Vibrating--- Unknown: (Pumunta ka sa katapat na coffee shop ng KLIVEN U. Nandoon s’ya, pero ikalma mo yung sarili mo. Baka pumanaw ka ng maaga.) Gag* 'to ahh. Mamatay ng maaga, bakit ba sinayang ko ang ilang menuto ng buhay ko para sa replayan ka kung sino ka mang hinayupak. Tss, loko ata mauna ka mamatay, idadamay mo pa ko. Hindi nako nagreply at ano namang gagawin dun ni Zero? Ang sabi nya sakin may gagawin pa siya sa computer room. No, hindi ka pupunta Cleo. Pero sa totoo lang iba ang pakiramdam ko ngayon, hindi naman sa may pagka uto-uto pero ginawa ko ang sinabi ng nag text sakin. Iba talagang kutob ko dito. Nang nasa tapat na ako ng coffee shop pinag isipan ko muna kung tama ba ang gagawin ko o ano, baka kasi may activities siya at dito niya lang naisipang gawin or mag mimiryenda lang siya without me? Isang malalim-lalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago ako tuluyang pumasok sa coffee shop. Pagpasok ko agad na lumingap ang mata ko hanggang masuyod nito ang bawat sulok. And finally I saw him. Napahinto at natulala lang ako, huwag kang mag-isip ng ganyan self. I saw him with someone else. Marahan ko itinuon ang tingin ko sa taong nasa harapan niya at hawak nya pa ang kamay nito. Nakita ng dalawang mata ko ang tamis sa ngiti nilang dalawa, ang mga mata nilang nakatitig sa isa't-isa. Naestatwa ako at tila naramdaman ko ang panlalata. Ilang lunok ang pinakawalan ko bago nagsimula ang pamumuo ng likido sa aking mga mata, at parang may kung anong matalim na bagay ang paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko. At sa wakas, naiyukom ko ang kamay ko sanhi para maibalik ko ang utak ko sa tamang wisyu. Ilang hakbang bago ko makalapit sa kanila ay siya namang paglingon ng atensyon sakin ni Zerovin, na halatang nagulat. Ilang sulyap ang ibinigay niya bago niya tuluyang mapag tanto na ang babaeng papalapit sa pwesto nila ay ako. "Cleomiya.." napansin kong naiyusad niya ang inuupuan niya dala ng pag aalala sa mga posibleng gawin ko. Oh dahil sa hindi niya inaasahang makikita ng dalawang mata ko ang kagaguhan niya. "Masyado ba akong nakaistorbo sa inyo?" tapos tumawa ako na parang wala sa sarili. "Ito ba yung importante mong gagawin kaya hindi mo ko masamahang kumain? " Tumayo siya at agad n’ya akong hinawakan sa braso. "Please Cleo, huwag kang mag eskandalo dito." *SLAPPED* Malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi niya, na alam kong ikinagulat nya mismo at ng mga taong saksi. "SUMAGOT KA!" I shouted. Wag akong mag eskandalo? Eh gago pala 'to! sino bang girlfriend nya dito? "Ako nang girlfriend n’ya." sabat nung b***h na kasama nya. Isang matalim na tingin ang ibinato ko sa kaniya. "HINDI IKAW ANG KINAKAUSAP KO! KAYA ITIKOM MO IYANG BIBIG MO!" dinuro-duro ko pa siya. "GIRLFRIEND? GAG*! MALANDI KANG BABAE KA!" susugurin ko na dapat siya. Pero hinila ako ni Zero palabas ng Coffee shop. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresiyon sa mukha niya, naging matigas. "Tapusin na natin 'to Cleo..." "Dapat nga noon mo pa ginawa yan Zero. Mag sama kayo tutal pareho kayong malandi!” Sabay talikod ko, pero kulang pa kaya humarap ulit ako. *SLAPPED!* (kanang pisngi) "Para yan sa pagiging cheater mo!" *SLAPPED!* (kaliwang pisngi) "Para yan sa kaharutan n’yo!" Tuluyan ko na syang iniwanan. Naglakad ako papalayo sa kanya, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero tanging luha lamang ang maaaring makaunawa sa loob ko. Nasasaktan ako, pero ayokong mag mukhang tanga sa harap nung malanding kasama nya. Isang taon akong nagtiis at umintindi, tapos ito lang ang mapapala ko sa siraulong yun? Nasaan ang hustisya doooon!? Pagkauwi ko sa bahay, hinalungkat ko agad ang ref, kahit na alam kong iba ang magiging tama ng beer sakin, uminom pa din ako. Umiyak ako ng umiyak hanggang mawala na sa wisyu ang utak ko, pumasok ulit ako. Kahit nanlalabo na ang paningin ko. At habang nasa kalagitnaan ako ng campus, nakita ko si Zerovin with her b***h girlfriend. Kaya napahinto ako sa paglalakad. Parang wala lang sa kanya na may iniwanan siya sa ere dahil sa kalandian niya. Nung nagsabog ata ng kaharutan sinagap niya! "Tabi!" Tumabi ako pero isang nakalolokong ngiti ang gumuhit sa labi ko. Sa puntong ito isisigaw ko ang pangalan mo, at magiging boyfriend kita. "RENAI ZON KLIVEN!!" Isinigaw ko ang pangalan niya. Hinarap n’ya ko nang may nakamamatay na tingin, I don’t care masyado siyang gwapo sa paningin ko ngayon. Almost perfect pointed nose and kissable lips. Kumikinang at nagniningning ang ang histura ng muka niya, mabagsik ang tingin ngunit nakababaliw ang kanyang mukha.“Shgshajaj.”  Diko naintindihan ang ibinulong niya, but damn, parang nagiging musika ang boses niya sa pandinig ko. Iba ang takbo ng utak ko. The more na natatakot sila sa gagawin ko, ay the more namang natutuwa ang isip ko. Ang tinutukoy ko ay ang mga estudyante sa paligid na tila nanunuod ng eksena sa pelikula. Lumapit sakin si Renai Zon, hindi pa din nawawala ang pamatay niyang tingin na nagiging romantic sakin ngayon. Kaya nginitian ko siya ng pagka tamis-tamis. Kumukutikutitap ang mga mata niya na para bang may mga pulang pusong lumalabas roon at nililipad patungo sa akin. I think this is it, gagawin ko na ang isa pinakahihintay ng lahat. Agad akong lumuhod sa harap niya na parang mag po-propose, parang umiikot na ang paningin ko, pero kailangan kong gawin to. "RENAI ZON KLIVEN CAN I COURT YOU?" isang nakahuhumaling na sigaw ang namayani sa paligid, at doon sumilay ang nakamamanghang ngiti sa aking labi. Diretso pa din ang pagkakasabi ko noon na nagpakunot ng kilay niya. Pero bakit napaka gwapo pa din niya sheteeeeee!!!! Masyado ng maingay ang paligid, marahil nadadala sila sa inaasal ko, marahil naiinggit sila, o baka marahil kinikilig sila sa ginawa ko. "Chucklehead tsk. Mahal mo pa bang buhay mo Miss?" He asked, gamit ang boses niyang kanina’y malamig na ngayon ay maskulado ng pakinggan. "Yes. Pero mas mamahalin ko ang buhay ko kung mamahalin mo din ako tapos magiging girlfriend mo." Medyo umupo siya para maging magkapantay kami ng pwesto, sweeeeet! Tapos ay hinaplos ko pa ang pisngi niya.. at ngumiti-ngiti pako. Hinawi nya bigla 'yon. "Start from ..." napahagalpak ako ng tawa sanhi para maputol ang mga sasabihin pa niya. "Papatayin mo ko? Bakla lumang linya na yan!" Patuloy ako sa pagtawa. Bigla nyang nilapit ang ilong nya sa mukha ko kaya nalanghap ko ang amoy niya, naliligo ata ‘to ng perfume oh my god! “Wtf” mas inilapit nya pa ang mukha n’ya. "Manyak ka! Manliligaw palang ako, hahalik ka na--” itutulak ko palang sana siya ng mauyot ako sa pagkakaluhod at tuluyang naglaho ang paningin ko kasabay noon ang pakiramdam ng pagtama ng aming mga labi. *End of flashback* Napahawak ako sa labi ko ng maalala ko na naman, beer lang yung ininom ko, pero kakaiba talaga ang tama nun sakin. Alam kong hindi excuse ‘yon pero totoo. Cleomiya nakakahiya ka! Naiyuntog ko tuloy sa gate na yakap ko ang ulo ko, gusto ko ng pumanaaaawwww! "Ako bang hinihintay mo dito sa gate?" Para kong robot na napalingon sa lalaking nagsalita sa gilid ko, nakasandal siya sa gate habang ako parang timang na nakahawak pa din doon. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "Edric?" Oo sya nga! mamamatay na ba ko? Kahapon lang ay ipinagsigawan ko ang buong campus ang totoong pangalan niya s’ya lang naman si Renai Zon Kliven. "Liligawan mo ko hindi ba? Iniintay pa naman kita sa labas ng bahay namin kanina. Medyo paasa ka sa part na yun." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko maibuka ang bibig ko, di ba campus evil ka? Mr.666, bakit naging ganyan ka bigla? uminom ka din ba ng beer? ganun din ba epekto sa’yo nun? "Tara na chucklehead. Sumabay ka na sakin." Hinawakan nya ang mga kamay ko at sapilitang hinila para sumabay sa kaniya. Nababaliw na ata talaga ko.. Nananaginip pa ata ako.. Si Renai Zon ba talaga sya? O’ baka doppleganger nya? O’ sadyang nababaliw na talaga ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD