"P-pero, paanong ang pamilya ko ang dahilan ng p-pagkamatay niya?" naguguluhan kong tanong.
Lumingon sa paligid si Dierro at suminghap. "Sundan mo ako sa likod."
Lumabas sa counter si Dierro at may kinausap siyang babae na agad namang pumalit sa kaniya. Tumingin siya sa akin at itinuro niya ang sinasabi niyang likod gamit ang dalawa niyang mata.
Agad akong sumunod sa kaniya dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na malaman ang impormasyong alam niya. Paano nangyari 'yon? may mga bagay parin talaga akong hindi nalalaman.
"Weeks after Alani died, naging balisa si Keziah. Akala ko normal lang 'yon dahil nga sa pagkamatay ng matalik niyang kaibigan. But I was wrong, hindi iyon ang dahilan. She was receiving death threats. Hindi nalaman 'yon ng pulis dahil ako lang ang sinabihan ni Keziah no'n."
Kung alam niya, bakit hindi niya sinabi sa mga pulis? Instead, he hid it.
"Then why are you hiding? bakit hindi mo sabihin sa mga pulis ang nalalaman mo?"
Napailing siya at naglakad palayo sa akin. Para bang litong-lito na siya sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman, litong lito na. Hindi ko na alam kung paano ko pagdudugtungin ang mga nalalaman ko.
"Akala mo madali lang? You don't have any idea how much I wanted to have Keziah's justice! She was begging me on the phone before she was killed. Asking me not to say any words to the authorities. Pinakiusapan niya akong alamin ang lahat tungkol sa pagkamatay ni Alani. Wala akong kaalam-alam na 'yon na pala ang huli naming paguusap. Hindi ko matanggap ang nangyari, kaya ako lumayo at naghanap mag-isa ng mga sagot na alam ko sa sarili kong mahirap makuha."
Ramdam ko ang sakit sa pananalita niya. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan kung ang pinakamalapit mong mga kaibigan ay bigla nalang mawawala?
Kita ko ang pagpigil niya ng luha. Gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging okay din ang lahat dahil gagawin ko ang kahit anong bagay para makuha ang hustisya sa pagkamatay ni Alani at Keziah pero mukhang hindi ko 'yun magagawa. Kilala niya ako bilang isang Saldivar, ang pamilyang sinisisi niya sa pagkawala ni Keziah. Kinamumuhian niya ako.
"Bakit mo 'to sinasabi sa akin kung ang pamilya k-ko ang itinuturi mong dahilan kung bakit nawala si K-keziah?"
"Sinasabi ko 'to sayo dahil gusto kong malaman mo na malapit na kayong bumagsak. Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo kay Keziah. Hindi ko man alam kung saan magsisimula, pero sisiguraduhin kong susundan niyo sa hukay si Keziah." ani Dierro na nagpakaba sa akin.
Agad siyang umalis at iniwan akong mag-isa. Galit siya sa akin, sa pamilya ni Alani. Hindi ko maintindihan, anong basehan niya para sabihin ang mga 'yon? bakit parang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya?
Umalis ako sa lugar na 'yon nang walang kabuhay buhay. Pero bago ako tuluyang makaalis, nakita ko ulit si Eon. Ang Eon na una kong nakilala. Bakit ang seryoso ng mukha niya ngayon? eh parang kanina ang saya-saya pa niya.
"Oh, anong--"
"When did you start?" pagputol niya ng sasabihin ko.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihing? "H-huh, what do you m-mean?"
"When do you start gathering information without our concerns?"
Napapikit at napaatras ako sa gulat. Alam na niya. Narinig niya ang usapan namin ni Dierro.
Napapikit ako at huminga nang malalim. Wala nang dahilan para magsekreto pa ako. Lalo lang siya magagalit kung hindi ko sasabihin ang totoo. Pero bakit nga ba gustong-gusto niyang malaman ang tunay na nangyari kay Alani? Sa una palang na pagkikita namin, kitang kita ko ang dedikasyon niya sa gagawin niya. Gusto kong malaman kung bakit.
"Anong meron, Eon? bakit gustong-gusto mo malaman ang tunay na nangyari kay Alani? anong meron sa inyo?"
Nang dahil sa sinabi ko, napakagat siya ng labi at lumayo ng tingin. Kita ko sa kaniya ang pagpipigil ng emosyon. "It's none of your business anymore."
Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Ganon ha? "Then, it's not your business anymore too, if I'm collecting informations without your concerns! Hindi ka naman siguro magkakaganito kung wala talagang namamagitan sa inyo ni Alani, hindi ba?!"
"Don't you dare say that!"
"Oh, I dare it!"
Ramdam ko na pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Kahit na malakas ang sound system, rinig na rinig parin ata ang sigawan namin ni Sybil. Tinanggal ko sa pagkakasuot ang binigay niyang suit at itinapon sa kanya. "Sayo na 'yang suit mo! At huwag na huwag kang lalapit sa akin dahil alam ko namang ginagamit mo lang ako para makuha ang mga impormasyong hindi mo kayang hagilapin!"
Sumagot siya sa sinabi ko pero hindi ko na narinig 'yon ng maayos dahil iniwan ko na siya agad.
Mainit ang dugo ko nang umuwi ako sa hacienda. Pero laking gulat ko nang makita ko ang mga bagahe na nakadisplay sa Foyer.
Andito na sila.
Sumalubong sa akin si Mr. Saldivar. Hindi parin ako sanay na tawagin siyang "tatay" at sa tingin ko, imposibleng mangyari 'yon.
"How's your task?"
"I'm doing well, unti-unti kong nalilinis ang pangalan niyo."
Mahirap pero kakayanin. Sadyang marumi kasi ang pangalan mo. Gusto ko pa sanang idagdag pero di ko na ginawa dahil alam kong sampal ang makukuha ko.
"Good. Gusto ko lang sabihin na maayos ang lagay ng magulang mo. Tutuloy ang pagiging maayos niya kung susunod ka sa usapan natin."
"Don't worry, hindi ako sasalungat."
Nang makasigurado akong wala na kaming dapat pagusapan pa, agad na akong dumiretso sa kwarto ko.
Hindi ko muna inisip ang naging sagutan namin ni Eon. Wala na ngang kwenta ang away namin, hindi pa makakatulong sa kasong inaayos namin. Sayang lang sa oras kung iisipin ko 'yon.
Pagkatapos ko magpalit, naisipan kong maghanap ng ibang impormasyon tungkol kay Dierro. Hindi ako na-satisfy sa paguusap namin kanina. Hindi ko nalaman kung bakit parang siguradong-sigurado siya sa mga sinasabi niyang ang mga Saldivar ang dahilan ng pagkamatay ni Keziah. Pero bakit gagawin ng mga Saldivar 'yon? anong kasalanan ni Keziah?
Nagbrowse ako sa social media accounts niya, and he's not that private. I can see some of his pictures with friends. Especially with Keziah and Alani on i********:. But when I checked his twitter, I found out that he's in need of interior renovation service for his apartment.
A plan slowly making its way on my mind.
Sinabi niyang pinakiusapan siya ni Keziah na alamin ang lahat tungkol sa pagkamatay ni Alani, may posibilidad na andoon ang mga impormasyong 'yon. There's a possibility too, that he also includes some clue or info evidents about Keziah's death. Sobrang laking bagay nito kung makakapasok ako sa apartment niya.
But, I can't con-artist a service. Kilala na niya ako. Kailangan ko ng mga taong hindi niya pa kilala.
No. Hindi, pwede. Galit ako sa kaniya, at mas lalong hindi pwede si Suede at Bianca, hindi pa nila alam na gumagawa ako ng aksyon tungkol dito. Hindi sila pwede.