KABANATA APAT
CONRAD P O V
"Sir, Kayo na lang po ang hinihintay sa Conference Room." bungad sa Akin ng Secretary Ko, medyo late na kasi Akong dumating sa Office, pinuntahan Ko pa kasi 'yung Isang Branch Namin ng Coffee Prince. Sabi kasi ng mga Kapatid Ko ay masarap 'yung Brownies at Cookies Ngayon dahil sa bagong Hired na Patissier. Nag- take out nga Ako para Kainin Ko mamayang Break Time.
"Sige, punta na Ako, paki- lagay Mo muna ito sa Office Ko, Salamat." ini- abot Ko na sa Kanya 'yung Box ng Brownies at Cookies. Dumiretso na nga Ako sa Conference Room dahil may Monthly Report Ngayon sa Real Estate Business Namin.
"Good Morning, Sir!" sabay sabay bati ng mga Tauhan Namin nang pumasok Ako. Tumayo pa nga Sila.
"Good Morning, Too! I'm Sorry, I'm late." ganting bati Ko naman, kahit naman Ako ang Boss ay nagso- sorry naman Ako kung kina- Kailangan. "Let's Start!" dagdag Ko pang sabi nang maka- upo na Kaming lahat.
Nag- report na nga isa isa ang Aming Branch Manager. Kahit konti naman ay tumataas ang Sales kada Buwan. Hindi naman nasi- zero ang benta Nila.
"Congratulations!! Thank You for Your hardwork!" bati Ko sa Kanila pagkatapos mag- report, tumayo pa Ako tsaka Ko isa isa Silang Kinamayan.
"Thank You, Sir!" tugon naman Nila.
"Jane, paki- pasok Mo na 'yung Merienda." baling Ko sa Secretary Ko, tuwing may Meeting naman Kami ay nagpapabili talaga Ako ng Merienda para sa lahat.
"Yes, Sir!" mabilis naman Nitong tugon, binuksan na Nito ang Pinto ng Conference Room, tsaka pumasok ang mga Janitor para dalin ang mga Merienda Namin.
"Salamat!" tugon Ko ng ilapag sa harap Ko ang Dalawang klaseng Pastries
Nag-Kwentuhan pa Kami habang kumakain para hindi naman ma- awkward sa Akin ang mga Tauhan Namin.
"Hhmmm! sarap Nito ha! bago po ito, Sir?" baling sa Akin ng Isang Manager, tinutukoy N'ya ang kinakaing Brownies
"Ahm! Si Jane ang bumili N'yan, Saan mo 'to in- order?" tanong Ko sa Secretary Ko, baka kasi hindi naman sa Coffee Prince ito binili, mapahiya pa Ako.
"Sa Coffee Prince, Sir, may bagong Hired daw pong Patissier, 'yan nga daw po ang Specialty N'ya." bibong sagot naman ni Jane
"Masarap nga!'
"Oo! tsaka hindi nakaka- umay ang lasa."
"Tama lang ang tamis sa gaya Nating Health Conscious."
"Oo nga!" sumabay na din Ako sa tawanan Nila. Hindi naman siguro Sila nagsasabi ng good comment dahil Kami ang may ari, ito din nga ang sinasabi ng mga Kapatid Kong Pastries. Rainbow Color kasi S'ya kaya nakaka- attract kainin. Masarap naman talaga. Sino kaya 'yung bagong Patissier Nila at masarap mag- bake?
Nang maubos naming lahat ang mga Pastries ay Kanya kanya na Silang paalam para bumalik na sa mga Opisina Nila. Bumalik na din Ako sa Opisina Ko para ituloy ang Trabahong naiwan Ko Kahapon.
Pagdating ng Lunch Break ay 'yung Pastries ulit ang kinain Ko, nagpa- timpla na lang ako ng Kape kay Jane. Hindi Mo nga S'ya pagsasawaang kainin. Mukhang tataba Ako kakain Ko Nitong Pastries, naisip Ko dahil naubos Ko ang laman ng Isang Box na Twelve Pieces ang laman, tapos 'yung kinain Ko pa Kanina sa Conference Room.
Natapos nag Maghapon Kong Trabaho na walang umi- istorbo kahit mga Kaibigan. Kaya nung uwian na ay tinatamad na naman Akong umuwi sa Condo ko. Dahil mag- isa lang Ako, pagkadating ko ay nag- half bath lang Ako tsaka pumuntang Kusina para kumuha ng Beer in Can sa Ref tsaka chichirya para pulutan. Pumunta Akong Sala para manuod ng Movies. Ganito lang lagi ang routine Ko sa Gabi kapag hindi nag- aaya ang mga Kaibigan Ko. Lima kasi Kami pero 'yung Dalawa ay may Pamilya na. Pagka- ubos Ko ng Tatlong Beer in Can ay pinatay Ko na ang T V tsaka Ako pumunta sa Kwarto Ko para matulog.
"Hi 'Ma!" bati Ko sa Mama Ko sabay halik sa Kanang Pisngi. Linggo Ngayon kaya Nandito Kaming lahat sa Bahay Namin.
"Kumusta, Anak?" tugon ding bati Nito, niyakap pa Ako
"Ayos naman Po." naka- ngiti Kong tugon
Hindi na nakapag- tanong ulit S'ya dahil magkasunod na dumating ang Dalawa Kong Kapatid kasama ang Pamilya Nila.
"Hello po, Tito Conrad!" bati sa Akin ng Pamangkin Kong Eight Years Old
"Hi, Pogi!" bati Ko din tsaka ito pumasan sa likod Ko kahit malaki na, nakipag- laro na lang ako sa Tatlo Kong Pamangkin para makaiwas sa lagi na lang Nilang tinatanong kung Kelan Ako mag- aasawa.
"Kakain na!" awat sa Amin ng Bunso Kong Kapatid na Babae. Kinuha Nito sa Akin ang Anak N'yang Bunso para mabihisan dahil puro pawis ang Likod sa paglalaro Namin. Kung may makaka- kita nga sa Akin na mga tauhan Namin ay pagtatawanan Ako dahil para Akong hindi C E O ng Malaking Kumpanya kung makipag- laro sa mga Pamangkin Ko.
Nagpunas din Ako ng Katawan Ko tsaka nagpalit ng T-shirt at dumulog na Kami sa hapag kainan.
Nung Una ay puro sa Business ang pinag- uusapan Namin hanggang sa madako Kami sa bagong Hired na Patissier.
"Natikman Mo na ba Kuya 'yung bagong Pastries?" tanong ni Daisy, Bunsong Kapatid Ko
"Oo, masarap nga!" tipid Kong sagot, patuloy pa din Ako sa pagsubo
"Dalaga pa, pwede Mong ligawan." saad naman ng Papa, kaya bigla Akong nasamid, buti na lang at umiinom na Ako ng tubig. Kung mag- utos kasi si Papa ay akala Mo may papabili lang tsaka hindi Ko pa nga nakikita, liligawan Ko na agad?
Natatawa naman ang mga Kapatid Ko tsaka Bayaw at Hipag. Nangingiti lang naman si Mama.
"Bakit? Mukha namang mabait, mahinhin pa. Bukas dumaan Ka sa Pasig Branch, ipapakilala Kita sa Kanya, pupunta din Ako Duon after Your Work." utos pa N'ya sa Akin
"Papa naman! Baka po kagaya din S'ya ng nirereto N'yo sa Aking hindi Ko nagugustuhan?" tugon Ko na lang para hindi na Nila Ako piliting ipa- kilala sa Dalaga.
"Hindi Mo pa naman nakikilala, ina- ayawan Mo na?" singit naman ni Mama
"Boto na pala Bayaw Sila Mama at Papa." tukso pa ng Asawa ni Daisy, sinamaan Ko lang S'ya ng tingin kaya napuno ng tawanan ang Dining Area Namin, pero Ako ay naka- simangot lang. Ayoko naman kasing paki- alaman Nila ang Lovelife Ko, gusto Ko kasi 'yung magugustuhan Ko talaga S'ya hindi 'yung pinilit lang Ako.
"Basta pumunta Ka Bukas ng makilala Mo S'ya." pagpipilit Ni Papa
"Opo!" tugon Ko na lang para hindi na mangulit pa
"Ayiii! Magakakaruon na ng Lovelife si Kuya!" tukso pa ng Bunso Namin kaya nagtawanan na naman Sila.
Pinanlakihan Ko lang naman ng mga Mata ang Bunso Namin. Dinilaan N'ya lang naman Ako. Para nga Kaming mga Batang nag- aasaran.
Ilang sandali pagkatapos Naming Kumain ay nagpa- alam nang aalis ang Dalawang Kapatid Ko kasama ng Pamilya Nila. parehong may Okasyon sa mga in- laws Nila. Hinalikan Ko ang Tatlo Kong mga Pamangkin tsaka Sila umalis. Naiwan na naman Kami ng mga Magulang Ko. Hindi Ko naman kasi alam kung Saan Ako pupunta kaya hindi pa Ako nagpapa- alam.
"Matutulog muna Kami ng Mama Mo Conrad, napuyat Kami sa pinuntahan Naming Birthday Party ni Kumpadre Kagabi." wika ni Papa na parang pina- paalis na Ako.
"Sige po, alis na din po Ako, may usapan din po Kami Nila Hermon." alibi Ko na lang kay Papa, humalik na Ako sa mga Pisngi Nila tsaka gumawi sa Sala para makalabas ng Pinto.
Nagmamaneho na Ko sa palabas ng Subdivision ng Bahay Namin pero hindi Ko pa din alam kung Saan Ako pupunta, ayoko naman sa Condo Ko dahil malulungkot na naman Ako. Nang mapadaan Ako sa Isang Mall Namin na malapit sa Condo Ko sa Mandaluyong ay tsaka Ko naisipang huminto Duon para mag- window Shopping, pang- ubos ng Oras bago umuwi.
Nasa Elevator na Ako nang mapa- tingin ako sa bandang unahan dahil bumukas na ang Pinto pero hindi pa din makalabas ang gustong lumabas, sa gawing likod kasi ako p-um-westo.
"Ano nangyayari?" tanong Ko sa nasa harapan Ko.
"May naipit pong Wheelchair kaya po hindi Kami makadaan." tugon ng Isang Concerned Citizen
"Excuse Me! Excuse Me!" singit Ko sa mga nasa unahan Ko, para makarating Ako sa pinto, pinaraan naman Nila Ako, naipit nga ang gulong nito sa Elevator. Hindi malaman ng kasamang Babae ang gagawin.
"Ako na." tugon Ko sa Babaeng nakayuko, hinawakan Ko na din ang Gulong ng Wheelchair tsaka Ko pwersahang in-angat, tinulungan na din Ako ng ibang Lalake na nakasakay din.
Sa tulong tulong Naming pagbubuhat ay naialis Namin ang Gulong sa pagkaka- ipit. Mukha kasing mahinhin 'yung Babae kaya hindi mai- angat.
"Salamat po! Salamat po sa Inyo!" nakayuko pa ang Babaeng Anak siguro nung naka- wheelchair na sabi sa Amin.
'You're Welcome, Miss!" tugon din naman ng mga tumulong, isa isa na Silang lumabas sa Elevator. Pati Mismo 'yung Ginang na naka- upo ay nagpapasalamat din sa Amin. Hindi naman Ako maka- alis dahil nabighani Ako sa maamong Mukha ng Dalagang tinulungan Namin.
"Marami pong Salamat." saad ulit ng Babae sa Akin, ngumiti pa ito kaya nakita Ko ang mapuputi N'yang mga Ngipin.
"Salamat Hijo." wika din ng Ginang
"Wala pong anuman, ahm! Saan po ba kayo pupunta?" tanong Ko pero sa Dalaga Ako naka- tingin. Para kasi Akong na- hipnotismo sa Kanya, hindi Ko din maintindihan ang Sarili Kong parang ayoko na S'yang mawala sa paningin Ko. Mabilis na din ang t***k ng Dibdib Kong parang may nagka- karerahang mga kabayo.
"D'yan lang," maikling tugon naman ng Dalaga
"Let's Go!? para hindi Tayo ma- late?" singit ng Lalakeng bagong dating hinihingal pa nga, tumakbo siguro.
"Okay!" matamis ang ngiti ng Dalaga tugon sa Lalake, gusto Kong mapa- ungol dahil sa ginawa ng Dalaga, Bakit Feeling Ko nagseselos agad Ako Duon sa bagongdating? Kasama naman pala S'ya bakit pinabayaan N'yang mag- isa Dito 'yung Dalaga. Kung Ako 'yun hindi Ko papaalisin S'ya ng Bahay ng hindi ako kasama.
"Sige po, Sir, salamat ulit." tugon ng Batang Babae sa Akin, tumalikod na nga Sila palayo, 'yung Lalake na ang nagtutulak ng Wheelchair ng Matandang Babae.
Umuwi na lang din Ako sa Condo Ko na nanghi- hinayang, hindi na kasi mawala sa isip Ko ang ngiti nung Babae. Mukhang may Boyfriend o Asawa na 'yung Babaeng magpapa- t***k sana ng pihikan Kong Puso.