KABANATA LIMAMPU'T LIMA TESS P O V Kahit Anong sarap ng pagkain ay hindi Ko malasahan, dahil sa nalaman Ko sa mga Kasambahay Naming Kung ano- ano na palang paninira ang lumalabas ng tungkol sa Amin ni Conrad. Mabuti na lang at nandito si Eden, nag- inject S'ya nang pam- pakalma sa Asawa Ko. Ano naman kasi ang intensyon ni Nash sa paninira sa Amin eh Ngayon Ko nga lang S'ya nakilala. Tsaka ang lakas ng loob N'ya eh sa Ospital pa ng mga Byenan Ko S'ya nagta- trabaho tapos ta- traydurin N'ya ang nagpapa- sweldo sa Kanya. Mabuti na lang at maasahan ang mga Kaibigan ng Asawa kahit minsan ay malakas mang- asar. Pagkatapos Naming Kumain ng Late Breakfast at nakapag- pahinga ay napag- pasyahang pumunta sa maluwang na Sala ng Aming Bahay para Duon ituloy ang naudlot na pag- uusap Namin Kanina. N

