DANICA POV "Ano? Never ngang sumagi sa isipan ko ang babae na yun eh. Bakit naman ako matatakot sa isang kagaya niya? Alam mo ba kanina sir-" "Stop calling me sir kapag wala tayong dalawa sa office. Just call me, Joshua," pag putol niya pa sa akin. "Joshua... I mean to say... kinompronta pa nga ako ng babae na yan kanina at nagtataka pa nga siya kung bakit daw dalawang araw na akong di kumakain sa canteen at baka raw kasama kita." "Talaga sinabi niya yun? Ano namang sinagot mo sa kanya? Medyo tamang hinala talaga siya ha?" "Talagang hanggang tamang hinala lang naman siya eh. Wala, sinabi ko lang naman sa kanya na di ko gusto sa canteen kumain. At never akong papatol sa boss ko. Of course, we both now that is not true at all. Kaya nga nag iingat lang din ako na hindi niya malaman ang

