NAPAAGA ang pasok ni Dolly sa Queen’s bar. Dumiretso siya sa bar na iyon matapos ang hosting niya sa kaarawan ng ginang. Hindi na niya naisip pa na umuwi sa tahanan ni Gloria dahil baka malate lang siya. Biyernes kasi ang araw at natraffic siya mula Ermita patungong Quezon Ave. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na bumaba ng jeep na sinasakyan na papunta sana sa tahanan ni Gloria. Sa halip ay sumakay siya ng isa pang sasakyan na ang direksyon ay patungo sa Queen’s bar. Alas otso pa lang ng gabi. May mangilan-ngilan nang mga parokyano lalo na at Biyernes ang araw. Mas marami ang mga trabahador na nais mag-enjoy sa gabi na iyon dahil sa kapaguran sa trabaho sa buong linggo. Nagsisimula ang show nila ng alas nuwebe kaya naman hindi na siya nabigla nang wala siyang makitang talent sa loob n

