CHAPTER 41 Lj's POV Naglalakad na ko papuntang classroom at alam kong hinahanap na ko ng mga lokaret kong kaibigan . Si Ethan naman may kukunin daw siya kaya mauna na daw ako kaya nauna na talaga ako at di naman talaga ako sasama kung sakaling sasamahan niya ko . Masyado siyang star para samahan akong isang hamak na alam niyo na kaurat .. Minsan naiisip ko sobra na ba ? o intay lang ako kase alam kong mahal niya ko e alam ko kase dama ko , siguro haysss ang gulo . "Bagay talaga sila !! " Dinig ko ang mga bulungan ng mga kababaihan . Sino naman kaya ang pinag uusapan nila ? "Sabi mo pa !! kaso masama daw ugali ni Wendy e .. " Wendy ? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon . "Gaga ! anong masama kaya binalikan yan ni Kevin kase perfect girl yan! " Doon ako napatigil ng mar

