CHAPTER 53 Lj's POV Wendy's calling ... Tinignan ko maigi baka namamalikmata lang ako , baka naman ibang wendy to ? Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hahayaan ko nalang dahil una sa lahat ay hindi saakin itong telepono . Namlalamig ang mga kamay kong hawakan iyon at nag dadalawang isip naman ako kung sasagutin ko iyon ngunit may roon saakin ang gawin ko nalamang iyon . Nakumbinsi ko ang sariling pakielaman ang gamit niya , sasagutin ko na sana ang tawag na iyon . " Naka pili ka na ng kakainin mo? " Nagulat nalamang ako ng sumulpot si Ethan habang pinupunasan nito ang kanyang kamay ng isang panyo nito . " May tumatawag sayo e ." Sagot ko sakanya at tinignan naman niya ang cellphone niya saka ito ngumiti saken . Kagat kagat ko ang aking mga labi ng isipin ko ang Wendy na iyon

