Nabigla na lang ako sa sumunod na nangyari.. Dahil nakabulagta na sa sahig si Adam habang hawak-hawak niya ang kaniyang labi na dumudugo. Kaya wala akong ibang gustong sisihin kung 'di si Allen. "Allen, bakit mo ginawa 'yon?!" Sinuntok niya lang naman si Adam. "Gusto mong malaman ang rason?" seryosong wika niya kahit naaamoy ko ang alak sa bibig niya. "Dahil nagseselos ako!" Halos mapaatras ako sa pagsigaw niya habang si Celeb naman ay nakahawak pa rin sa kaniya. "Babe, umalis na tayo," kalmadong ani Celeb pero nanatili pa rin ang tingin ni Allen kay Adam. "Bitawan mo ako!" sigaw ulit ni Allen at mabilis niyang inalis ang kamay ni Celeb kaya natigilan ito. Ano bang problema niya? Tapos na kami, e. Susuntukin pa sana niya si Adam pero hinarangan ko na siya. "Allen, tumigil ka na.. an

