[Adam] Mabilis ang araw kung kaya't parang kailan lang ay dalawang buwan na magmula nang manganak si Jiezel, sa kaniyang pagbabalik sa pagtuturo ay masasabi kong medyo nangangapa ulit siya, lalo na at dahil medyo matagal din siyang nakapagpahinga. Sa kabila no'n ay patuloy ang kaniyang pagtanggap sa kaniyang ama na labis kong pinasasalamatan. Paunti-unti ay nakikita ko na ang kaginhawaan sa nga ngiti niya sa tuwing kasama si Tito Ethan. Sa ngayon ay nananatiling matatag ang relasyon namin sa kabila nang hindi pagkakaunawaan. Araw ng Linggo at nagpasya kaming ipasyal si baby Damzel. Habang nag-iikot-ikot kami sa mall ay pasimpleng kinukuhanan ko ng litrato ang aking mag-ina. "Patingin nga, sweetie," aniya at inilapit ko naman sa kaniya ang aking cellphone kaya napangiti siya habang wala

