NAPABALIKWAS ako sa pagbangon nang mapagtanto na nakatulog ako sa ibang kwarto. Napalitan na rin ang suot ko ng plain blue v-neck t-shirt. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwartong 'to.. ang natatandaan ko lang ay nagpapakalunod ako sa alak kagabi kasama si-- Adam. Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto na ang kwartong kinalalagyan ko ngayon ay kay Adam. Dali-dali akong napatayo upang hanapin siya sa may salas subalit wala akong nakitang 'ni anino niya. Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pintuan ng banyo at siya ang bumungad. Hindi pa man siya nakakalabas ay sinugod ko na siya ng panghahampas. "Walang hiya ka, anong ginawa mo sa akin? Sinamantala mo ako 'no? Para may nangyari sa atin!" naiinis na sabi ko habang pinaghahampas siya. Kataka-taka namang mas sumeryoso pa ang

