Unknown POV
Routine ni Cydrix ang pumunta sa kanyang mga restaurant, lalo na sa gabi kapag alam niyang, wala na ang mga staff nito. Ayaw na ayaw kasi ng binata ang may makikita siya kahit ni isa, maliban lang sa mga taong malapit at pinagkakatiwalaan nito.
Isa na si Thomas ang taga hawak ng susi, at Richard na naging kaibigan nito.
May narinig ang binata na ingay sa loob ng kusina kaya ito nagtanong kay Thomas.
"Thomas! What's that sound? "
Tanong nito sa kanyang staff. Nandito siya ngayon sa resto dito sa Tondo Manila dahil chini-check nito kung ano ang pwede nilang kailanganin.
"Naku sir, baka may nakapasok na pusa. "
Sagot ni Thomas sa kanyang amo. May pag-alala rin sa mukha nito dahil alam niya kung gaano ka istrikto ang amo nila. Napalunok si Thomas, dahil aa dami ng pwede niyang isagot, ay pusa pa.
"Pusa? " Pag-uulit ni Cydrix kay Thomas.
"Y-Yes sir, sandali lang ho, at ako na tumingin kung anong ingay 'yun. " Sagot ni Thomas sa amo nito. Na halatang kabado. Dahil kilala niya ang kanyang amo. Lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya, ang pag-igting ng panga nito.
'No! Stay here! I'll do by myself! " Sagot ni Cydrix sa staff nito. Wala naman nagawa si Thomas kundi sumunod na lang ito sa kanyang amo.
Samantalang si Janella naman ay mabilis na lumabas sa kusina, at hawak-hawak nito ang dibdib dahil akala niya ay mahuhuli na siya kanina.
Mabuti na lang at nakalabas na siya sa kusina ng may marinig itong click sa pintuan.
"Ano ba kasi ang ginagawa dito ng amo namin? Bakit gabi na kung pumunta? " Kausap nito sa kanyang sarili, habang hingal na hingal dahil sa sobrang pagod nitong tumakbo at lumayo sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho.
"Aba malamang! Sa kanya kaya itong resto! " Sagot ng dalaga sa sarili nitong katanungan!
Napasabunot tuloy ang dalaga sa buhok nito!
"E' bakit nga ba ako tumatakbo? Wala naman akong kasalanan? " Maya't maya kausap ulit nito sa kanyang sarili!
"Hays! Naman Ella! Nabubuwang kana! Hindi mo ba alam kapag nahuli ka, baka wala ka ng trabaho kinabukasan?! " Sermon ulit nito sa kanyang sarili! At tuluyan na itong nag-para ng jeep dahil palalim na rin ng gabi. At may pasok pa sila kinabukasan. Pangalawang araw na nitong bilang chef-cook sa resto kung saan ito nagtatrabaho.
Sa ilang sandali, nakarating ng matiwasay si Janella sa kanilang munting bahay. Tulog na ang mama nito. Nag shower na ang dalaga at humiga na sa maliit nitong kama.
"Papa Jesus, salamat po sa araw na ito, at sa susunod pang araw. Amen. " Taimtim siyang nagdasal. At agad na siyang nakatulog.
Makalipas ang ilang araw... Abala ang mga staff sa Cj's Kitchen sa Tondo, dahil tumawag ang boss nila ng emergency. Kailangan daw nito ang ibang staff dahil may bagong pinatayong restaurant ang kanilang boss at surpresa ito sa kanyang mga magulang. Kailangan nito ang tapagluto. Bawat restaurant ng kanilang boss ay kumuha siya ng tag-isang chef.
"Ella! Your here!" Masayang bati ni Claire sa dalaga. Nagtataka si Ella kung bakit maaga itong pumasok, dahil madalas tanghali na kung pumunta si Claire sa restaurant.
"Good morning Claire. Ang aga mo yata ngayon? " Tanong ni Ella kay Claire, dahil totoo naman, sa isang buwan mahigit na ang dalaga sa resto, ay ngayon lang nakita ng maagang pumasok si Claire.
Akala ni Ella ay magalit ito sa kanya dahil sa sinabi nito, ngunit tumawa lang si Claire.
"Ano kaba! Nandito ako kasi susundin kita. " Nakangiting sagot ni Claire kay Ella. Kaya nagtaka ang isa.
"Sunduin? " Pag-uulit nito sa saad ng kanyang kausap.
"Oo, kaya halika na, double pay ito, alam ko kailangan mo. " Nakangiting bulalas ni Claire kay Ella, samatalang si Ella naman ay biglang nagliwanag ang mukha nito! Lalo pa at sinabi ni Claire na double pay ang bayad.
"Teka! Hindi ba yan scam? " May halong birong tanong ni Ella kay Claire, anong malay ng dalaga kung nagbibiro lang si Claire sa kanya.
"Hindi no! Halika na baka malate tayo! Kanina pa kita hinihintay! " Malakas na boses ni Claire kay Ella kaya agaw eksena tuloy sila sa loob ng resto. At narinig ito ni Chloe.
Samantalang si Chloe masama ang loob dahil akala nito ay siya ang isasama ni Claire. Ngunit nagkamali siya. Nakaramadam siya ng inggit kay Ella dahil kabago-bago palang nito ay malapit na ang loob sa pinsan ng kanilang boss. Oo, pinsan ni Claire ang boss nila.
"Chloe! Ikaw na bahala dito hah! Pakisabi kay Richard, sumunod na lang mamaya! " Malakas na boses ni Claire kay Chloe.
"Yes ma'am! " Sagot ni Chloe kay Claire.
Nagtaka naman si Ella, dahil tinawag nitong ma'am si Claire. Dahil ang pagkakaalam ng dalaga ay staff lang si Claire.
"Ready? " Tanong ni Claire kay Ella.
"Oo, ready na ako. " Sagot ni Ella kay Claire, at may nakapaskil na ngiti sa kanyang labi.
Lumabas na silang dalawa sa loob ng resto at hindi nakaligtas kay Ella ang bulong ng kanyang kasamahan sa loob.
"Sinabi ko na kasi sayo ma'am Chloe, sipsip ang Ella na yan! " Rinig ng dalaga na bulalas ng isa nilang kasamahan.
"Naku ma'am, mukhang maagawan ka ng papel kay ma'am Claire, tignan mo oh, para nga silang magkapatid. " Segunda ng isa pa!
Alam ni Ella na narinig ni Claire ang completment ng kanyang kasamahan sa loob.
"Wag mo silang intindihin. Hayaan mo sila. Halika na? " Aya ni Claire sa kay Ella.
Alam ni Claire na mabait si Ella kaya napalapit agad ito sa kanyang loob. Sa totoo lang mawawala na rin ang tampo ng dalaga sa mga magulang nito! Isapa isang pasaway na anak si Claire. At si Cydrix lang ang pinagkakatiwalaan niya.
Ampon ni Michael at Tamara si Claire. Apat na taong gulang ito noong kinuha siya sa bahay ampunan. May kapatid si Claire na anak ni Tamara at Michael, pero kahit ganun hindi naman nakaramdam ng dalaga ang inggit dahil lalaki ang naging anak ng mommy at daddy nito.
Pasaway lang si Claire kaya ganun, pinarusahan siya ng kanyang mga magulang. At si Cydrix ang kinakatakutan nito dahil itinuturing na siyang totoong kapatid.
Si Cydrix ay istrict brother's but, loving. Hindi siya iba kung ituring ito. Bata palang si Claire ay alam na nito na hindi siya nanggaling sa sinapupunan ng kanyang mommy Tamara. At nagulat ito ng pareho sila ng kuya Cydrix niya.
Kaya siguro ganun na lang ang kalapit nila sa isa't isa. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay si Cydrix ay kapatid ang totoong ama at si daddy Franco nito, samantalang si Claire ay hindi kilala ang totoong magulang, dahil lumaki siya sa bahay ampunan.
Marami rin alam na sikreto ni Claire ang kuya Cydrix nito, dahil minsan nasabi na ito sa kanya ni Cydrix lalo na ang tungkol sa mga totoong magulang nito. Kaya minsan hindi rin maiwasan ni Claire ang magalit sa pumatay sa magulang ng kuya Cydrix niya.
"Claire, saan mo ako dadalhin? " Nagbalik ang diwa ni Claire sa boses ni Ella.
"Ay sorry, napa lalim na pala ako ng naisip Ella, diyan lang tayo sa malapit. " Sagot ni Claire kay Ella.
"Ah, ok. " Tipid na sagot ni Ella kay Claire.
Nahiya ang dalaga na kulitin si Claire dahil mukhang malayo ang iniisip ng kanyang kasama, kaya ito tumahimik na lang. Dahil mukhang seryoso ang mukha ni Claire.
Hanggang sa nakarating na sila sa venue kung saan siya sinama ni Claire.
"Ella, nandito na tayo! " Sigaw ni Claire kay Ella, as if naman magkalayo silang dalawa! Eh magkatabi nga lang sila!
"Wow! Ang ganda naman dito Claire! "
Hindi mapigilan ni Ella ang mapamangha sa labas ng resto, at loob nito dahil up & down ito at higit sa lahat, napapalibutan ng puro salamin! Ang labas nito ay may puno ng mga kahoy, na para bang sinadyang tinanim roon!
Totoo nga ang sinabi ni Claire kay Ella na malapit lang sa resto ang venue kung saan sila nagtatrabaho. Dahil isang sakayan lang ito kung mag commute sila. Pero dahil nga may kotse si Claire, madali lang silang nakarating.
"Oo, para kasi ito kay tita Sharon, halika na sa loob. Dahil marami na tayong gagawin. "
Sagot ni Claire kay Ella, na hanggang ngayon manghang-mangha pa rin ang dalaga sa nakikita nito sa loob ng resto.
Naglalakihang chandelier, mga ilaw na para bang sa ibang bansa pa nanggaling. Para siyang isang 5 star hotel ang loob. Maaliwalas na kapaligiran at maganda sa mata ang theme ng kulay, parang pinag isipan talagang mabuti.
Isang sulyap pa ni Ella sa loob ng resto bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kusina. Dahil nauna roon si Claire.
"Ano? Wala ang mga ingredient ni Master? "
Narinig ni Ella na sigaw ni Claire sa loob ng kusina, kaya nag madali itong pumasok.
At ganun na lang ang gulat ng dalaga dahil lahat ng nasa loob ay mukhang aligaga! Pinagpapawisan ang mga mukha kahit naman malamig sa loob dahil malakas naman ang aircon.
"Ma'am Claire anong gagawin natin? " Tanong ng isa na hindi pa nakilala ang dalaga dahil ngayon palang nito nakita.
Tumingin si Claire sa labas ng pintuan ng kusina at nakita roon si Ella, at biglang nagliwanag ang mukha ni Claire. Dahil alam nito na may solusyon na ang problema nila. Isa ito sa dahilan kung bakit si Janella ang kanyang isinama sa bagong restaurant ang kanyang kuya Cj, dahil alam niyang maasahan sa ganitong bagay si Janella.
At si Claire na ang bahala sa master nila, dahil wala na silang oras kung magpapa deliver pa sila ulit ng mga kailangan para sa pagkain.
"Ella! Halika dali! " Masaya nitong bulalas ni Claire kay Ella, at iwinagayway pa nito ang mga kamay.
Mabilis na lumakad si Ella sa kinaroroonan ni Claire at ngumiti ito sa mga staff kung hindi siya nagkakamali dahil pare-pareho sila ng mga uniform! Si Ella lang ang kakaiba dahil naka suot ito ng puro puti at may net ang buhok nito.
"Siya ang chef-cook natin ngayon guys! Siya si Chef Ella. So, pwede na tayong magsimula! "
Bulalas ni Claire sabay pitik sa mga daliri nito! Ay mabilis naman na kumilos ang iba! Parang sanay na sila! Pero bago pa sila nagsi-balikan sa kanilang mga pwesto ay nagpakilala muna sila sa isa't isa.
Hindi na matandaan ni Ella ang mga pangalan ng iba dahil sa sobra nilang dami, idagdag mo pa ang bolerang si Claire dahil kanina pang daldal ng daldal!
Parang sanay naman ang mga staff sa loob ng kusina sa presensya ni Claire sa kanila.
At iniwan na nga sila ni Claire. Habang si Ella ay siya na ang bahala daw sa lahat.
Napailing na lang ang dalaga, pero ano nga ba nagawa niya, basta ang bilin ni Claire ay si Ella na daw ang bahala sa lahat! Wala ng nagawa pa si Ella lalo pa at sinabi ni Claire sa kanya na double pay ang sahod. At wala daw problema sa boss nila!
Kaya mabilis ang bawat galaw nila, dahil mahigit isang daang katao daw ang pakainin nila!
"Kaya ko to! Kaya mo to self! " Kausap ng dalaga sa kanyang sarili bago ito nagsimula.