Unknown POV
“ Dear viewers from the cooking live show, let’s all applaud, at the same time! Who can cook better?! “
Sigaw ng host habang kanya-kanyang handa na ang mga ingredients sa kanilang dish, ng mga contestant.
Lima silang lahat na contestant. At isa-isa ng pinili ng mga judge ang kanilang inihanda. Ito ang araw kung sino ang tatawagin kasama si final round.
Habang tahimik ang audience, hindi napigilan ni Cj ang mapatingin sa kanyang tabi na dalaga.
Maganda ito, kahit pa halatang bata. Naka focus ang dalaga sa sinasabi ng mga judge habang halata dito na nakakaramdam ng tense. Kaya malayang nakatitig si Cj, sa dalaga.
Iniisip ni Cj sa dalaga, baka mas ahead lang siya ng isang taon. O baka mag kasing edad sila. Lihim na napailing si Cj sa tumatakbo ng kanyang isipan. Naisip ni Cj, kailan pa siya nagka interes sa babae?
“Ok viewers! Sasabihin na po natin ang top 2. At kung sino po ang unang tawagin siya po ang kasama sa final round! “
Narinig ng lahat ang saad ng host!
“Ready naba kayo viewers?! “ tanong ng TV host!
“Yes, ready!! “ Sabay-sabay na sagot ng mga audience.
“Ang isa sa makakasama sa final ay walang iba kundi si–?” Pabitin na sigaw ng host, dahilan upang sabay,sabay na hiyawan ang mga audience.
“Number two!” Sigaw ng ibang audience! Number two kasi ang number ni Cj.
“Number three!” Sigaw din ng iba. Ang number 3 ay ang dalagitang tinititigan kanina ni Cj. Walang iba kundi si Janella.
“And the top two finalist are none other than….! Miss Manalo! “
Sigaw ng host! Nag palakpakan naman ang iba at bigla silang natahimik dahil meron pang isang tatawagin.
Masaya naman ang dalaga dahil naka pasok siya sa finale. Iniisip palang nito ang pwede niyang makuhang premyo ay malaking bagay na sa kanilang mag ina.
Pero ramdam ng dalaga na meron isang taong nakatitig sa kanya. Ayaw lang nito ang sumulyap dahil nakaramdam siya ng tense. Isa pa hindi pa tapos ang contest dahil naka focus siya dito.
“Ok viewers! Ang magiging katunggali ni Miss Manalo ay walang iba kundi si—?”
Pabitin ulit na tanong ng host sa mga audience.
“Number two!! “ Sigaw ng mga audience sa host.
“Number two, kapag hindi ka nanalo dito pwede ba akin ka nalang?! “
Sigaw ng isang audience sa hindi kalayuan kaya nagsisigawan na ang lahat!
“Hep! Hindi siya pwede akin siya! “ Biro naman ng TV host sa audience. Kaya nagkatawanan na ang lahat sa loob ng live show!
“Ok! Ito na! Ang kasama sa finale ay walang iba kundi si—Mr Cydrix John Smith! Number two! “
Hiyawan ang maririnig sa loob ng Live Cooking Show. At palakpakan ang lahat sa loob! Dahil natutuwa sila sa kalabasan ng resulta kung sino ang magkalaban sa final round.
Magsimula ulit ang pasiklaban, habang silang dalawa na ang naka tutop sa camera. Si Cj chill lang samantalang si Janella, nakaramdam ng tense. Alam ng dalaga sa kanyang sarili na ito ang first time niyang sumali sa ganitong patimpalak at nagkataon pa sa malaking show at live pa. Pero naisip ng dalaga na walang urungan, isa pa kailangan niya ng pera.
Habang si Cj naman, bale wala lang sa kanya ang nangyari. Manalo man o matalo hindi iyon mahalaga sa kanya.
Ang totoo kung bakit siya sumali. Meron kasi silang deal ng kanyang ama na kapag manalo siya sa show. Hindi niya ito pakikialaman sa gusto niyang gawin. At walang alam dito ang mommy Sharon niya.
Hindi naman naiwasan ng binata ang hindi mapangiti, kaya ang cameraman at ang host ay napansin nila ito!
Si Cj ang tipong hindi mo mapapangiti ng walang dahilan, maliban lang sa kanyang pamilya!
“Wow! Nakita niyo ba yon viewers? Ngumiti po si Papa Cydrix John! Hmmp… sino kaya ang nagpangiti sa kanya? “
Kwelang tanong ng host sa audience. Dahil pansin nito na kaseryosohan ng binata.
“Ako! “ Sigaw ulit ng isang audience sa hindi kalayuan kaya nagkatawanan ulit ang mga audience!
Habang si Cj, ay biglang naging seryoso at sumulyap ulit sa gawi ng kanyang katunggali.
At napatigil pa ito dahil ang dalaga kanina na mukhang tense, ay nakangiti na!
Parang nahipnotismo ang binata sa dalaga sa unang pagkakataon!
“Kuya Cj!! Go! Kaya mo yan!!”
Ang Sigaw ng batang babae ang nagpa balik sa diwa ng binata! Kaya nag focus na ito sa kanyang ginagawa! Napailing na lang si Cj sa nangyayari sa kanya.
Nag prepare si Cj ng paborito nitong whole-chicken sweet-spicy with cheese. At mga vegetable na ilagay nito bilang art sa kanyang dishes. Ang dishes nila ng mommy Sharon niya. Magmula ng bata siya.
Samantalang sa kabilang banda si Janella, ay nagluto ng kare-kare para sa kanyang mama na ngayon ay nasa hospital.
“Mama para sayo to. Kaya natin ma laban lang tayo fight! “ Taimtim na dasal ng dalaga.
Hindi man mawala sa kaba ng dalaga, dahil alam nito sa kanyang sarili na magaling talagang magluto ang kanyang katunggali! Dahil sa limang araw nila sa cooking show at natikman nila ang bawat dish na niluluto nila. Ngayon ang araw na malalaman kung sino ang panalo!
Ang kakulitan ni Janella ay parang biglang nawala, at naging seryoso ito! Isa pa parang siya lang ata ang pinakamahirap na sumali sa Live Cooking Show. Pero para sa dalaga wala na siyang pakialam roon. Ang mahalaga sa kanya ay masungkit nito ang premyo para sa kanyang mama.
Ngunit pansin ng dalaga na ang kanyang katunggali sa show ay determinasyon na manalo, at hindi lingid sa kaalaman nito na pinagtitilihan ito ng mga kababaihan. Kaya pasimple siyang sumulyap sa kanyang katunggali dahil magkatabi ang kanilang table.
Bawat table nila ay may isang maliit na stove at oven, kung saan doon sila nagluluto. At naro'n na rin ang mga kailangan nilang ingredients.
Tumingin si Janella sa katabi niya at ganun na lang ang gulat nito, dahil almost perfect ang lalaki! Matangos na ilong, mapupulang labi, maputi, matangkad at higit sa lahat mukhang mayaman pa. Halintulad ng isang perpekto ang binata para sa dalaga, ngunit may napansin ang dalaga sa katunggali nito parang kasalanan dito ang ngumiti dahil napaka seryoso ang mukha nito kahit pa nakaside view sa kanya.
“Wow! Tao ba siya? Hindi kaya engkanto? “
Kausap ng dalaga sa kanyang sarili at napa-iling na lang ito at nag focus na ulit sa kanyang ginagawa.
Mabilis lang ang oras dahil pareho na silang natapos! Lumapit na rin ang host sa kanila at isa-isa na silang tinanong! Unang tinanong ng host si Cydrix.
“Let’s see what our contestant has prepared for all of us! Let’s put Mr. Smith first. “
Saad ng TV host. Habang naka sunod ang cameraman sa TV host.
“Istorbohin muna natin si sir Cj, uhm! Ok lang ba sir na tawagin ka namin sa nickname mo sir? “ Maya’t maya tanong ng TV host kay Cj,
“Isn’t it possible that calling me by my nickname isn’t a sin? “
Pabiro ang sagot ng binata sa TV host. Pero seryoso ang mukha nito. Namutla ang TV host dahil seryoso ang mukha ng binata ng sinabi ang katagang iyon.
Kalaunan nagbalik naman ulit sa diwa ang TV host! Pati si Janella natahimik rin. Dahil pati boses ng binata para sa kanya, ay kakaiba.
"Tao ba talaga siya? " Kausap ni Janella ang kanyang sarili.
“Grabe nawala ako doon hah! “ Pabiro ng TV host! Napangisi naman si Cj sinabi ng host! Nakatutok ang cameraman kay Cj.
“Sir Cj! Ano ang inihanda mo para samin? “ Pa birong tanong ng host kay Cj. Tumingin muna sa audience ang binata dahil hinanap ang kanyang mga mata ang taong pag-aalayan nito sa kanyang niluto. Nagtaka naman ang host kaya tinanong ulit nito.
“Meron kana bang someone na pinag-aalayan ang luto mo sir? “
Tanong ulit ng host sa binata. Hindi naman napigilan ang mga kababaihan ang hindi napasinghap sa narinig. Habang si Cj hindi pa rin sinagot ang tanong ng host. Dahil hindi pa nakikita ng kanyang mga mata ang hinahanap.
Maya’t maya nakita na ni Cj ang kanyang mommy Sharon sa hindi kalayuan, naka ngiti ito sa kanya kasama ang kapatid nito katabi ang Daddy Franco niya.
Ngumiti muna si Cj at siya na ang attention ng lahat. Tahimik naman ang lahat ng audience at naghihintay sa sabihin ng contestant. Akalain mo isa siyang sikat na modelo, at tinitingala ang karamihan!
“Yes, there is someone to whom I would like to present the food I prepared today. She was a significant figure in my life. Maybe I wouldn’t be here today if it weren’t for her. And I owe her my life, so I thank her. This is for you, Mom. I remember you cooking this before, and it has become one of my favourites. Thank you so much, Mom. I love you! “
"Wow!! " Pati ang host ay hindi makapaniwala sa sinabi ng contestant. Ang akala nito ay hindi mo mapag speech ng mahaba ang binata.
Napasinghap ang lahat ng audiens sa loob ng cooking show, pati si Janella! Hindi akalain ng dalaga na may pagka sweetness pala ang kanyang katunggali.
Matapos ang hiyawan si Janella naman ang tinanong ng host at bigla nalang nakaramdam ng lungkot ang dalaga dahil naalala nito ang taong, siya ang dahilan kung bakit narito sa ngayon sa Live Show.
“Ok! Habang naghihintay tayong matapos ang dish ni sir Cj. Tignan natin ang kabila. Hmmp mukhang masarap malayo ka palang naamoy mo na ang kakaibang sarap! Mukhang busog na ako. “
Kwelang saad ng TV host. Samantalang ang contestant medyo nahihiya.
“Tanungin natin kung para kanino din ang niluto niya.” Saad ng TV host.
“Miss. Manalo. Pwede ba namin malaman kung para kanino ang niluto mo at ano ang special para sayo? “ Tanong ng TV host sa dalaga.
Huminga muna ng malalim ang dalaga bago nag salita.
“Ang totoo po nito, ito ang favorite na niluluto ni mama, pero dahil masyadong maraming kailanganin, hindi po niya ito napapasama sa kanyang dish, kaya ngayon po ito ang napili ko. Ang kare-kare po ni mama.” Pagsisimula ng dalaga.
“Mama, hintayin mo ako, uuwi ako na panalo diyan sa atin. Pagkatapos nito Mama ipagamot na kita. “
Naiiyak na segunda ng dalaga. Pati ang mga audiens naiiyak na rin.
“Ahm! Mukhang may pinagdadaanan po ang ating contestant number three. Matanong po natin. Alam natin na hindi maganda na tanungin natin dito kung ano ang lagay ng mama mo, pero pwede ba namin malaman kung ano ang sakit ng mama mo Miss. Manalo?” Tanong ng host sa dalaga. Pero nag senyas ang director ng cut!
“Magbabalik po ang Live Cooking Show! “ paalam ng host!
Pinunasan ni Janella ang kanyang Luha ng mag break sila mula sa show. Habang nasa isang gilid siya ay may lumapit sa kanya na isang babae.
“Hi b***h!! “
Isang sopestikadang babae ang lumapit sa kanya habang naka cross ang mga braso nito sa harapan niya at nakasuot ng high-heels at pulang-pula ang labi.
“You! Sa tingin mo manalo ka? Hoy hampas lupa! Wag mong agawan ng korona ang papa Cydrix ko! Dahil sa kanya lang ang titulo! “