Part 28

2060 Words

 “GUSTO mo ba siyang makilala, Pao?” tanong ni Angelu sa anak. Nasa cottage na nagsisilbing bahay nila. Malayo iyon sa karamihan. Kani-kanina lang inireport sa kanya ng staff sa front desk na nag check in umano si Nick. Mukhang wala itong balak umalis hangga’t hindi nakukuha ang gusto. Unfortunately, may kinalaman doon ang anak niya. “Of course you do.”  She fondly touches his face.             “A-ayoko po sa kanya kung sasaktan ka lang niya.”             Saglit na ipinikit niya ang mga mata. Gustong-gusto niyang ipagdamot si Paolo. Gusto niyang itago ito mula kay Nick dahil para sa kanya ay wala na itong karapatan sa kanyang anak. Karapatang ito mismo ang nag-alis noong takbuhan siya nito. Gusto niyang magalit si Paolo sa ama nito. But Angelu knew better. Alam niyang hindi iyon makabubu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD