Part 20

1547 Words
BUMALIKWAS ng higa si Nick. Kadiliman ng silid ang sumalubong sa kanya. Hinihingal at pawisan na inabot niya lamp shade na nakapatong sa stand sa may kanan ng kama niya. Binuksan niya iyon. Bumaha ang liwanag sa silid. Nasapo ni Nick ang mukha sa kanyang mga palad. Habol pa rin ang kanyang hininga.             There it was again. Nanaginip na naman siya. Napanaginipan na naman niya ang babaeng walang mukha. Nick grunted. Sa nakalipas na sampung taon ay paulit-ulit na bumibisita sa panaginip niya ang babaeng iyon. Ang babaeng walang mukha sa kanyang panaginip.             Bumaba si Nick sa kama. Pinuntahan niya ang kanugnog na terrace ng kanyang silid. Binuksan niya ang salaming sliding door na nagsisilbing partisyon ng silid at terrace. Naupo si Nick sa isang settee. Malamig ang panahon at madilim pa rin ang kapaligiran. Hindi siya sigurado kung anong oras na ba. Muling nagpakawala ng buntong-hininga si Nick. Years ago ay nagkaroon siya ng aksidente. Isang malalang aksidente. Sa isang hospital na siya nagising. Nagising na wala ni isang alaala sa kanyang isipan. Nick couldn’t even remember who he was, not even his own name. Ang kanyang ina ang siyang nag-supply sa kanya ng lahat ng impormasyon. Noon din lang niya nalaman that he spent a few months of his life sleeping in a hospital. After a few months, pumunta sila ng America para doon siya tuluyang magpagaling. Matagal din bago naibalik ni Nick sa normal ang buhay niya. Nanatili silang mag-ina sa America. Doon na rin siya nagtapos ng pag-aaral. Nang maka-graduate ay nagtayo siya ng kumpanya kasosyo ang dalawa pang kaklase na naging kaibigan na rin niya. New Horizon o NH—the company— did well. Basically, ang kumpanya nila ay nasa larangan ng buy and sell. Mostly, real state properties ang binibili nila. Dinidevelop iyon, ino-overhaul bago muling ibebenta. Lumago ang NH. Naging successful.             Noong nakaraang buwan lamang siya bumalik ng Pilipinas. Bagaman pabisi-bisita na rin sa mga nagdaang taon. Nicholas and his business partners decided to expand the company. Sa Pilipinas nila napiling itayo ang unang branch ng New Horizon, ang New Horizon Philippines o NHP. Sa kasalukuyan ay inaayos ni Nick ang pagpapatayo ng building nila sa Alabang. Pansamantala ay nag-oopisina siya sa isang kilalang tower.    “GOOD morning, Kuya!” pagbati ng matinis na boses ni Nathaniel kay Nick nang dumulog siya sa komedor para mag-agahan. Kapatid niya si Nathaniel. Apparently, noong nasa hospital siya ay nagtagpo uli ang landas ng mommy niya at ng childhood sweetheart nito na si Nathan. Parehong single ang dalawa. At nahulog ang loob sa isa’t-isa. Noong magising siya ay ang dalawa na. Dahil may amnesia, inakala pa nga niya na ang ama niya ay si Nathan. But her mother had been honest to him. Ikinuwento nito sa kanya ang lahat. Maging kung sino ang ama niya at kung bakit sila pupunta sa America. Nagpakasal ang mommy niya at si Nathan. Ilang taon din munang namalagi ang mga ito sa America bago ipinasyang sa Pilipinas na bumase.             “Good morning, Nate,” tugon niya. Binati rin siya ni Nathan at ng ina. Nick returned the courtesies. Pagkatapos niyon ay inukopa na niya ang kanyang upuan. Kapag bumibisita siya sa Pilipinas ay sa bahay ng mga ito siya tumutuloy. Pero ngayong may posibilidad na magtagal siya sa bansa dahil sa pamamahala ng NHP ay iniisip na rin niyang bumukod. A condo unit will do. Ipapaasikaso na niya sa secretarya niya ang bagay na iyon.             “Why are you smling like that, ‘My?” tanong niya sa ina habang nilalagyan ng sinangag ang plato niya. “Dad?” baling niya sa ama-amahan. He was calling him ‘dad’ dahil sa nakalipas na mga taon ay naging ama ito sa kanya. “What did I miss?”             Tumawa si Nathan. Binalingan nito ang asawa. “Tell him,” udyok nito.             “Oh, sikat ka na, Nicholas,” anang mommy niya, makahulugan ang kislap ng mga mata nito.             Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. “Im sorry?”             “Well, son, na-post sa isang f*******: page ang pictures mo,” anang kanyang ina na lalo pa yatang lumawak ang pagkakangiti. “At viral iyon ngayon. Viral means the picture caught the attention of many and it was now somehow the talk of the town.”             “What?” napapantastikuhang bulalas niya. Dahil successful, ilang TV at magazine interviews ang natatanggap niyang imbitasyon. Hindi pa iyon maharap ni Nick lalo’t kababalik pa lamang niya sa bansa at marami pang mas dapat asikasuhin. He’s quite busy. But of course, may mga interviews siyang pagbibigyan. Lalo na iyong sa mga business magazines. Alam ni Nick na makakatulong iyon sa kumpanya.             “Iyon na nga, sa madaling salita ay sikat ka. Sumikat ‘yong pictures mo because you’re handsome.”             “My looks became famous on the internet?” tanong niya, hindi malaman kung maa-amuse o ano. “At nag-pi-f*******: ka rin, Mommy?” aniya sa ina. Binalingan din niya ang ama-amahan para sa opinion niyo bagaman nakangiting nagkibit-balikat lang ito.             “Yeah, lately,” pag-amin naman ng mommy niya. “Pero hindi ako ang naka-discover sa sumisikat mong picture kundi si Imelda.” Ang isa nilang katulong ang tinutukoy nito. Inabot ng kanyang ina ang iPad. “Here. Take a look. Ibinigay sa akin ni Imelda ang link. Ah, wala kang ideya kung gaano gaano kabibilis magpa-trending ng mga netizens. Netizens are the social media user. From the words Network and Citizen— Oh, of course, alam mo kung ano ang Netize. My bad.”             Nick chuckled. Inabot niya ang iPad at inusisa iyon. Siya nga ang nasa picture. Sa loob iyon ng eroplano, in a business class section. Hindi siya sigurado kung kailan kinuha ang picture dahil madalas naman siyang magbiyahe. Sa kuhang iyon ay medyo naka-sideview siya dahil nakatingin siya sa may bintana. The picture was nice, if he may say so. Nakuha rin kasi ang tila sinag ng araw sa bintana ng eroplano. “Tatlo ‘yang pictures, son,” anang kanyang ina. Pina-slide nga niya ang screen. Tumambad ang sunod na picture. Kuha na ng buo ang mukha niya. Habang ang pangatlong litrato ay nakatayo siya sa aisle kung saan para naman siyang modelo na naglalakad sa catwalk. And here’s your next dose of Hottie, folks, ang pinaka-caption ng post. Let’s call him ‘Your Highness.’, shall we?             “Sino ang kumuha ng mga litrato?” naitanong niya.             “Either kapwa pasahero, o flight attendant,” ani Nathan. “My guess… flight attendant.”             “Pero f*******: page ang nag-post ng pictures, Nick. Apparently, ang f*******: page na Hotties ay nagpo-post pala talaga litrato ng mga guwapong lalaki. Tulad ng nangyari sa ‘yo, stolen shots daw lahat. At dahil maraming followers ang Hotties, mabilis mapag-usapan ang mga napo-post diyan,” paliwanag pa ng mommy niya.             “This is insane,” natatawang komento niya. Sumisikat siya sa internet dahil sa kaguwapuhan niya?             “At ang mommy mo ay ini-enjoy ang pagbabasa ng mga comments.”             “Yeah?” he teased his mother.             “Aba siyempre,” tugon ng mommy niya. Hindi maipagkakaila ang pagmamalaki sa hitsura nito. “Kaninong pusong ina ang hindi matutuwa sa mga magagandang komento patungkol sa kanyang anak?”             Napapalatak na lang siya, iiling-iling. Naisip tuloy niya kung ano kaya kung noon nangyari ang ganito. Noong panahong itinatago siya saka nangyari na sumikat ang litrato niya. Nick was sure that his biological father would go crazy. Siyempre pa ay aalamin ng lahat kung sino siya. Doon na marahil mauungkat na anak siya sa labas ni Senator Umali. Pero ano nga kaya ang gagawin nito? Aamin o magde-deny? Senator Umali died of heart attack eight years ago. Noon din lumabas ang balita na may anak nga ito sa labas. Pero dahil patay na si Senator Umali ay hindi na rin pinagpiyestahan ng media ang balita. Bilang respeto na rin marahil sa namayapa, lalo’t marami rin itong nagawang mabuti. Bumaba ang tingin ni Nick sa comment section. Pinasadahan niya ng basa ang ilang komento. —My god! he’s so handsome! —  —Trending na rin sa twitter. #HottieYourHighness —Kung boyfriend ko ‘yan, hinding-hindi ko ‘yan palalabasin ng bahay. —Paki-like po ng fan page ni Hottie. Heto ang link: Https://www.Hottie... —s**t. Sa labi at mga mata pa lang wasak na ang matris ko. Step aside Matt Bomer. Heto ang panlaban namin sa ‘yo. —Yes, let’s call him Your Highness. Dahil sa lahat ng na-post dito, ito talaga ang pinakaguwapo! Juskolord. My heart… —Your Higness, I am so ready to worship you. Iiling-iling si Nicholas sa mga nababasang comments sa litrato niya. Bagaman hindi naman na bago sa kanya ang hangaan ang panlabas niyang anyo, still he finds it silly that he became ‘famous’ because of his looks. Ah, kunsabagay nga. Marami nga palang artista ngayon ang sumisikat hindi dahil sa talent kundi dahil sa kagandahan o sa kaguwapuhan. Really, what’s wrong with the world now? Bakit puro panlabas na anyo na lang yata ang pinapahalagahan? Minsan nga kahit talented ka pero hindi ka naman kaguwapuhan ay hindi ka mapapansin. That’s the sad reality of life.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD