5 years later .. Charlie POV Limang taon na ang lumpisa at ang dami ng nagbago. Isa na doon ay kinasal na kami ni Sandra. Sila Jasmine at Jessie din ay ikinasal na at may roon na silang isang anak at babae din ito. Ang pangalan niya ay Janna Jill Serfire-Oceane at dalawang taon na ito. Sila Dennise at Charm naman ay kakasal lang din nung nakaraang dalawang taon at sa ngayon ay buntis na ito at may pinakilala pa sila sa amin na batang babae na mas matanda sa anak namin ni Sandra at nagulat ako ay nagkaroon sila ng anak pala na babae. Ang pangalan ng anak nila ay Danica Charm Earthno-Windster at sa ngayon ay siyam na taon na ito meaning isang taon lang tanda sa anak namin ni Sandra. Habang si Ate Giana at Jelline ay nakatuluyan din nakaraang taon naman sila kinasal at sa ngayon ay bu

