JOY
"Ba-bye frenny, Arnel. Maraming salamat. Ingat kayo sa pag-uwi." Pasalamat at paalam ko sa kanilang dalawa nang ihatid nila ako sa tapat ng bahay.
"Salamat din Frenny. Pero may utang ka pa at bukas kita sisingilin. Kailangan walang labis, walang kulang." Nakataas ang kilay ni Jerlyn habang nagsasalita. Kaya ngumiti ako sa kanya at nag thumbs up.
"Oo na nga bukas ko i-kwento sa iyo ang lahat. Kaya umuwi na kayo. Salamat ulit Arnel sa libreng pagkain at sharona." Nakangiti ko'ng sabi sabay taas ng hawak ko'ng tupper ware. Binigay niya kasi sa akin ang sotanghon guisado at lumpiang Shanghai kasama pa ang tatlong 1.5 na coke. Para daw kay Lolo,Lola at Papa. Marami kasi ang natirang pagkain kaya hinati-hati naming lahat.
"Welcome Joy, sige kita-kits ulit bukas sa school." Paalam muli ni Arnel.
"Ba-bye frenny sabi rin ni Jerlyn. Kaya kumaway ako sa kanila hanggang sa makalayo na ang sasakyan. Malawak ang ngiti ko na pumasok sa loob ng bahay. Naghintay na kaagad si Lolo at Lola sa akin sa may pintuan. Niyakap ko kaagad sila ng makalapit ako sa kanila.
"Kamusta ang pagligo niyo Apo? Nag enjoy ka ba? Saka bakit may dala ka pa'ng pagkain?" Tanong ni Lola sa akin.
"Super saya namin lahat La, sa susunod punta yayo duon La. Ang ganda ng paligid at masarap maligo." Masayang pagkwento ko sa kanilang dalawa. Pagkatapos pinakita ko sa kanila ang aking dala at niyaya na pumasok sa loob. Pagpasok namin dumiretso kami kaagad sa kusina saka binigay kay Lolo at Lola ang aking dalang pagkain.
"Lolo, Lola si Papa po? Hindi pa ba dumating?" Tanong ko sa kanilang dalawa ng hindi ko makita si Papa. Nagkatinginan naman si Lolo at Lola.
"Kanina pa dumating si Papa mo apo galing palengke. May dala na nga siyang baboy, lutuin niya daw mamaya sa hapunan. May pinuntahan lang. Baka pauwi na rin iyon." Sagot ni Lola sa akin. Kaya tumango ako at kumuha ng dalawang plato at kutsara para maka kain si Lolo at Lola. Marami naman kaya titirhan nalang namin si Papa. Habang kweni-kwento ko kay Lola at Lola ang mga ginawa namin sa pool. Dumating naman si Papa. May hawak siyang folder, tumayo ako saka sinalubong si Papa ng yakap at halik sa pisnge.
"Joy, anak nandito ka na pala? Kamusta ang pag ligo niyo ng mga kaibigan mo? Nag enjoy ba kayo?" Tanong ni Papa.
"Opo papa ang saya naming lahat. Halika muna sa kusina papa may sharona po ako." Natatawang pagyaya ko kay Papa.
"Ikaw talaga anak, parang hindi ka pa dalaga." Nakangiti na sabi ni Papa sa akin saka ginulo niya ang aking buhok.
"Bata pa naman ako Pa." Paglalambing ko sa kanya. Nakangiti si Lolo at Lola na nakatingin sa amin ni Papa.
"Kahit dalaga ka na, Ikaw pa rin ang baby namin. Kaya hindi namin hahayaan na mahirapan ka." Wika ni Papa. Parang may kahulugan ang sinabi ni Papa pero hindi ko nalang pinansin. Nang makaupo si Papa kumuha ako ulit ng plato at kutsara saka nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Papa. Habang kumain si Papa bigla siyang tumingin sa akin.
"Joy anak, naalala mo pa ba si Lola Neneng mo sa Manila? Diba kapatid siya ni Lola mo? Saka may Tita ka din duon?" Mahinahon na wika ni Papa. Kaya tumango ako.
"Bakit Papa? Kilala ko po si Lola Neneng at Tita Mercedez po? Mabait naman po sila." Tugon ko kay Papa. Tumigil si Papa sa pagkain saka hinawakan ang aking kamay.
"Anak, ayaw ko na mahirapan ka, dahil ang bata mo pa. Kaya nagdesisyon kami ng Lolo at Lola mo na isangla ang sakahan para makapag-aral ka ng college. Nag-iwan naman ako kunti para may taniman ako ng gulay. Nakausap ko si Ate Mercedez na duon ka muna sa kanila habang nag-aaral ka. Libre daw ang lahat. May kunting karenderya naman ang Tita Mercedez mo kaya kapag daw walang pasok sa eskwelahan pwedi kang tumulong sa kanila. Saka may college daw na malapit sa kanila na pwedi lang lakarin anak." Paliwanag ni Papa sa akin. Kaya hindi ko maiwasan na tumulo ang aking luha.
"Papa kung gusto niyo ako'ng pag-aralin bakit sa Manila pa? May college naman dito. Saka di ba sinabi ko naman sa inyo na okay lang kahit hindi na muna ako makapag-aral ng college. Naiintindihan ko naman po. Pero Papa, Lolo , Lola maraming salamat po sa pag-alaga at pagmamahal niyo sa akin. Pangako po mag-aaral ako ng mabuti para sa inyo." Naluluha ko'ng sabi. Tumayo si Lolo at Lola saka niyakap ako. Ganun din si Papa. Kaya magkayakap kaming apat habang umiiyak na masaya. Sisikapin ko'ng maging maayos ang aking pag-aaral para makuha namin ang sakahan kapag napakag tapos at trabaho na ako.
"Mahal na mahal ka namin apo." Magkasabay na sabi ni Lolo at Lola.
"Mahal kita anak, kaya gagawin ko ang lahat makapag aral ka lamang. Saka mag-iingat ka duon. Kada linggo magpadala ako ng allowance mo para hindi ka mahirapan. Nalaman ko kasi na duon mag-aral ang mga kaibigan mo kaya naawa ako sa iyo. Kaya kinausap ko ang Lolo at Lola mo na duon ka rin namin pag-aralin." Naluluha na sabi ni Papa. Kaya mahigpit ako'ng yumakap sa kanya.
"Mahal na mahal ko din kayo Papa. Pangako po mag-iingat at mag-aral ako ng mabuti para sa inyo. At kapag nakapag tapos na ako at makapag trabaho dadalhin ko kayo sa iba't-ibang bansa. Bibigyan ko kayo ng maraming katulong saka gagawin ko'ng mansyon ang bahay natin." Pagbibiro ko sa kanila. Pero kapag dumating man ang panahon na maka-ahon kami sa kahirapan. Tutuparin ko ang aking mga sinabi. Muli kaming nagyakapan saka pinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain. Pagkatapos kumain ni Papa, Lolo at Lola ako na ang mag presinta na magligpit at naghugas ng kanilang pinagkainan. Alas singko pa lang nang hapon kaya sinabi ni Papa na mamaya nalang daw magluto ng hapunan dahil katatapos lang nilang kumain. Pagkatapos ko'ng maghugas ng pinggan nagpaalam muna ako sa kanila na papasok sa aking silid. Parang nakaramdam ako ng pagod at antok sa pagligo namin kanina.
"Lord maraming salamat sa biyaya na binigay mo sa amin. Salamat po sa pag gabay mo jay Lolo, Lola at Papa. Sana po ilayo niyo po sila sa kapahamakan at sa sakit. Maraming maraming salamat po lord." Dasal ko ng makahiga na ako sa aking kama.
"Nanay sana po gabayan niyo po ako sa pagpunta ko sa Manilla. Kausap ko din kay Nanay saka pumikit. Hindi ko nalamayan nakatulog na pala ako ng mahimbing.