JOY
"Maraming salamat po Aling Brenda. Sa uulitin po, kapag gusto niyo pa po ng mga gulay magsabi lang po kayo. Marami pa pong gulay si Papa." Pasalamat ko kay Aling Brenda pagkatapos niya akong bayaran ng 700 sapagkat binili niya lahat ng paninda ko. Ang saya ko dahil hindi na ako maglalako. Pagkatapos ibigay ni Aling Brenda ang pera nilagay ko na kaagad sa bulsa ng short ko.
"Salamat din Joy, sana katulad mo ang mga dalaga dito sa atin. Hindi nahihiya magbinta. Nako ang anak ko nga kahit mag bantay dito ayaw nila, baka daw pagtawanan sila ng kanyang mga ka-klasi." Saad ni Aling Brenda. Medyo nakaramdam ako ng awa kay Aling Brenda. Matagal na rin siyang nagtitinda dito sa palengke ng prutas at mga gulay at iba pa. May kasama siya tatlong katulong pero hindi mo makita ang tatlo niyang anak na babae na tumutulong sa kanya. Kilala ko ang kanyang mga anak may pagka sosyal kapag nasa eskwelahan. Ang swerte nga nila na may Nanay at Tatay sila pero binaliwala lamang nila. Kime ako'ng ngumiti kay Aling Brenda saka nagpasalamat ulit. Ayaw ko nang pahabain pa ang pag-uusap namin.
"Mag-ingat ka Joy, kapag kailangan ko ng mga gulay. Sasabihin ko lang sa Lola mo." Bilin ni Aling Brenda.
"Maraming salamat po ulit Aling Brenda. Sige po mauna na po ako." Paalam ko ulit saka tumalikod na. Pa-kanta kanta ako habang naglalakad sa daan pauwi. Alas singko ng hapon pa lang naman kaya maliwanag pa saka ang presko ng hangin na dumdampi sa aking pisnge. Masaya akong uuwi sa bahay dahil naubos ang dala ko'ng mga gulay. Tiyak matutuwa si Papa, Lolo at Lola. Habang naglalakad ako bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Jerlyn. Habang may bumubusinang motor. Nakita ko siya na nakasakay sa motor ni Arnel. Nang huminto ang motor ni Arnel sa tapat ko. Kaagad na bumaba si Jerlyn at kumapit sa akin.
"Frenny mabuti nakita kita dito. Saan ka galing? Pupunta sana kami ni Arnel sa bahay mo. Mabuti nakita kita dito." Nakangiti na sabi ni Jerlyn.
"Frenny kayo pala? Bakit anong meron at pupuntahan niyo ako sabay? Nanggaling ako sa palengke frenny, naghatid ng gulay Kay Aking Brenda. Saka bakit magkasama kayo ni Arnel? Nanligaw na ba si Arnel sa iyo." Deritsahang tanong ko kay Jerlyn. Nlgumit lang si Arnel saka tumingin kay Jerlyn. Si Jerlyn naman biglang namula ang kanyang mukha. Kaya tinaasan ko siya ng aking kilay
"Ikaw talaga frenny kung hindi ka magsalita parang anghel ka. Pero kung bumuka na nga iyang bibig mo walang filter. Hindi nanliligaw si Arnel. Pinuntahan niya lang ako sa bahay at niyaya na pumunta bukas sa bagong bukas na resort duon sa kabilang bayan. Naalala mo iyong nakita natin dati na mga swimming pool? Duon iyon, bininta ng may-ari kaya renovate. Kaya bukas na ang opening, kaibigan ni Arnel ang may-ari kaya libre naman daw." Sambit ni Jerlyn.
"Sumama ka na Joy, total malapit na ang graduation natin. Saka celebration din ng panalo namin sa basketball kanina. Sayang hindi niyo nakilala ang kaibigan ko. Pinuntahan niya ako sa bahay kaya nang umalis siya pinuntahan ko si Jerlyn upang yayain. Pagtapos sinamahan niya ako na puntahan ka para yayain din. Bukas ipakilala ko kayo sa kaibigan ko, mabait iyon. Taga Manila siya kaya apat na araw lang siya dito. Bukas pagkatapos ng opening ng resort niya babalik naman sila sa Manila." Saad ni Arnel.
"Anong oras ba at saka ang pagkain?" Tanong ko kay Arnel.
"Kami na ang bahala sa lahat ng team ko. Magdadala ako ng pagkain para sa inyo ni Jerlyn. Alas nuebe ng umaga susunduin ko si Jerlyn tapos ikaw. So tara na sumakay ka na. Ihahatid ka namin para ipagpaalam ka namin sa Lola, Lolo at Papa mo." Wika ni Arnel.
"Frenny halika na. Ihahatid ka na namin ni Arnel." Pagyaya sa akin ni Jerlyn
"Arnel wala ka ba'ng balak ligawan si Frenny." Nakangiti ko'ng tanong kay Arnel. Pakamot kamot naman siya sa kanyang ulo saka bumaling kay Jerlyn. Walang kibo si Jerlyn na sumakay ulit sa motor ni Arnel.
"Ang dami mong alam frenny halika na." Pagyaya ulit ni Jerlyn kaya sumakay na ako sa kanyang likuran.
"Frenny Ikaw huh! May sundo sundo na kayong dalawa huh! Bakit ba kasi hindi pa kayo magka aminan na dalawa. Saka bakit tayo isasama ni Arnel hindi naman tayo parte ng team nila. Baka nandun din bukas si Myra. Alam mo frenny para-paraan din itong si Arnel eh. Kunwari isasama ako para makasama ka." Bulong ko kay Jerlyn sabay sundot sa kanyang tagiliran.
"Bunganga mo frenny. Marinig tayo ni Arnel. Alam mo naman diba? Saka huwag na maingay." Bulong din ni Jerlyn na parang kinikilig. Mas umusog pa ako para dumikit siya jay Arnel. Mabait naman si Arnel at mayaman. Anak siya ng vice Mayor namin. Kahit mayaman siya hindi siya kagaya ng ibang mayaman na maangas at mayabang. Kahit nga may sasakyan sila, motor ang gamit niya papunta sa eskwelahan saka marunong siya makahalobilo sa kagaya namin na mahirap. Nang dumating kami sa tapat ng bahay. Pagbaba namin sa motor niyaya ko na silang pumasok. Nakita ko kaagad si Lolo at lola na kumakain ng nilagang saging. Habang si Papa Eric abala sa kanyang mga gulay.
"Lolo, Lola, Papa Eric kasama ko po ang mga kaibigan ko." Ani ko nang makalapit na kami sa kanila. Kilala rin naman nila si Jerlyn at Arnel. Nagmano si Jerlyn at Arnel kay Lolo at Lola. Bumati naman sila kay Papa. Tamang-tama may nakahain sa maliit na mesa na nilagang kamote at saging. Kaya niyaya sila ni Lola.
"Iha, iho napadalaw kayo? Mabuti nagkita kayo ng apo ko?" Saad ni Lola habang kumain si Jerlyn at Arnel ng saging.
"Nadaanan namin si Joy sa kalsada La, kaya hinatid namin. Para din po ipaalam sana na yayain namin bukas sa bagong resort sa kabilang bayan. Opening po kasi ng resort ng kaibigan ko na taga Manila. Kaya niyaya ko si Jerlyn at Joy. Celebration na rin po ng pagka panalo namin kanina sa basketball po." Saad ni Arnel. Tumango si Lolo at kumain ng saging.
"Anong oras ba iyon iho?" Tanong ni Papa Eric.
"Alas nuebe ng umaga po susunduin namin ni Jerlyn si Joy. Tapos baka mga alas dos o alas tres ng hapon ihahatid rin nakin siya. Promise po hindi ko sila pababayaan." Sagot ni Arnel kay Papa.
"Kung sasama si Joy wala naman problema Basta mag ingat at mag enjoy kayo. Congratulations Arnel. Salamat kahit mayaman at anak ka ni vice Mayor mabait ka'ng bata. Hindi ka katulad sa iba na mayabang porket anak ng MGA polotiko." Saad ni Papa.
"Salamat po Kuya sa pagpayag na isama ko si Joy. Saka ang mga magulang ko lang naman po ang mayaman. Wala pa po ako'ng sinabi sa buhay. Kaya bakit naman po maging mayabbang ako? Saka mabait po si Joy at Jerlyn kaya gusto ko silang maging kaibigan. Sinabi ko nga kay Joy na hihingi ako ng tulong kay Papa para sa kanyang college pero ayaw niya po." Pag kwento ni Arnel. Ilang beses niya kasing sinabi sa akin na tutulungan niya ako na makapag aral sa college. Pero tumanggi ako, dahil nakahihiya kasi baka may masabi pa ang ibang mga tao.
"Arnel bilisan mo nang ubusin ang saging. Baka gabihin kayo sa daan. Saka sa kanto nalang ako bukas maghintay." Sambit ko para maiba ang usapan.
"Ang sarap ng saging frenny pahingi ako ah!" Wika ni Jerlyn. Tumayo si Papa saka pumasok sa kusina. Paglabas niya may bit-bit na siyang dalawang plastic bag na may saging at kamote.
"Dalhin niyo na. Pasensya kung iyon lang ang maibigay namin." Wika ni Papa saka binigay kay Arnel at Jerlyn ang plastic bag.
"Sure po ba Kuya? maraming salamat po. Kukunin ko po talaga ito Kuya Eric." Masayang turan ni Jerlyn.
"Maraming salamat Kuya Eric. Pero baka inubos mo na ibigay sa amin?" Sambit ni Arnel.
"Marami pa sa bukid. Bukas magdadala din ako. Kaya dalhin mo na iyan Arnel. Pasalamat dahil magkaibigan kayo ng anak ko.
"Salamat po Kuya." Pasalamat ni Arnel. Pagkatapos nilang kumain ni Jerlyn at Arnel nagpaalam na rin sila dahil magtakip silim na rin. Hinatid ko silang dalawa sa labas ng bahay.
"Bye frenny, Arnel mag-ingat kayo sa daan. Arnel deritso hatid si Jerlyn sa kanilang bahay. Huwag dadaan kung saan saan-saan." Pagbibiro ko sa kanilang dalawa.
"Pwedi ko naman ideretso sa bahay kung papayag si Jerlyn." Pagbibiro din ni Arnel. Tinampal naman ni Jerlyn si Arnel sa balikat.
"Umalis na nga tayo gabi na." Sungit-sungitan na sabi ni Jerlyn kay Arnel.
"Hindi ba talaga pwedi? Magpaalam ako sa magulang mo." Narinig ko'ng sabi ni Arnel kay Jerlyn ngunit wala akong narinig na sagot mula kay Jerlyn hanggang sa nakaalis sila. Napangiti nalang ako, saka pumasok na sa loob ng bahay.