JOY 39 "Magka kilala pala kayo ni Brent as in? Bakit hindi namin alam?" Tanong ni Rachel at Anika sa akin. Nandito kaming tatlo sa mall. Habang nasa elevator kami kanina ni Brent nakatanggap ako ng message kay Rachel na hinihintay nila ako sa labas ng BBS COMPANY. Paglabas namin ni Brent nakita ko na kaagad si Rachel at Anika nakatayo sa labas ng sasakyan na may kasamang dalawang lalaki. Pinakilala nila sa akin nalaman ko na si Fernan at Luis pala sila na boyfriend nilang dalawa. Nagulat sila na magka kilala kami ni Brent. Kaya sa halip na umuwi ako sumama ako dito sa kanila sa mall. Kaya bumalik si Brent sa kanyang opisina kasama ang boyfriend ni Rachel at Anika. "Kaibigan ni Brent si Arnel na classmate namin ni Jerlyn n'ong highschool kami. Nakapunta si Brent isang beses sa probinsya n

