JOY Sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang yakap ko si Brianna. Hindi ko alam kung paano sila nagkita ni Brent. Hindi ko alam ang sasabihin kay Brianna na hindi si Brent ang kanyang Daddy. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung paano sasabihin at ipaliwanag sa kanya na hindi si Brent ang kanyang Daddy. Sapagkat makikita ko sa kanyang mukha ang sobrang saya na ngayon ko lang nakita sa mga mata niya. Masaya naman siya na dalawa lamang kami. Ngunit ngayon makita ko ang ningning sa kanyang mata na puno ng saya at kagalakan. Nanatili na nakatingin sa amin si Brent na malawak din ang ngiti sa kanyang labi. "Mommy, thank you po dahil dumating kaagad si Daddy galing shoppe.. Thank you po Mommy. I love you po Mommy. Thank you dahil may Daddy na ako. Hindi na po ako ma-inggit kay baby Erica dah

