JOY "LOLA, LOLO." "APO." Magkasabay naman na sigaw ni Lolo at Lola nang makapasok kami ni Jerlyn sa bakuran ng bahay. Alas singko ng umaga nagising kami ni Jerlyn upang umuwi sa bahay. Nagpaiwan muna si Ate Marya sa hospital para bantayan si Papa Eric. Pagbalik nalang daw namin mamaya siya uuwi. Mabilis akong tumakbo upang salubungin si Lolo at Lola na palabas ng bahay. "Lola, Lolo kamusta po kayo? Na-miss ko kayo Lola, Lolo." Umiiyak ko'ng sabi habang mahigpit kaming magkayakap. Si Jerlyn dumiretso sa loob ng bahay at umupo sa aming upuan. "Na-miss ka rin namin apo. Kailan ka umuwi, kamusta ang byahe mo? Pasensya na apo sa nangyari sa papa mo. Nagpahatid kasi si Brenda ng gulay. Hindi lang namin alam kung bakit binangga ang papa Eric mo ng truck. Pero pupunta ako mamaya sa police s

