JOY "Brent tumigil ka na, nakikiliti ako. Kanina ka pa, bindi ako makatapos tapos sa ginagawa ko. Umupo ka nga muna at manuod nalang ng tv." Saway ko kay Brent. Nakayakap Kasi siya sa aking baywang at panay ang halik. Pagkatapos namin malaman ang totoo. Habang nag-uusap kami. Dumating si Tita Mercedez at Tito kaya kweninto namin sa kanila ang lahat-lahat. Sobrang saya nila dahil nakilala na daw namin kung sino ang daddy ni Brianna. Nagpasalamat sila kay Brent dahil tinanggap niya kami ni Brianna. Pagkatapos namin mag-usap pina-alam nila si Brianna na isasama muna nila na ipasyal sa mall at duon daw muna matulog sa bahay nila. Dahil miss na daw ni Lola Neneng. Kaya ang loko sobrang saya dahil daw ma so-solo niya ako buong araw at gabi. Kaya heto siya panay kalabit. "Mamaya na kasi 'yan

