JOY AFTER 4 MONTHS "Anak mag-ingat ka sa Manila. Kapag may sobra ako'ng Pera padalhan kita para may pambili ka ng cellphone. Sinabi pala ni Tita mo Mercedez na pwedi ka mag apply ng scholarship kung saan ka mag-aaral. Kumuha na daw siya ng form para sa iyo. Saka hihintayin ka nila sa terminal" Kausap ni Papa sa akin dito sa aking silid. Tinulungan ako ni Papa na mag-ayos ng aking mga dadalhin bukas. Bukas na ang pag luwas ko sa Manila. Hindi pa naman araw ng pasukan pero kailangan maaga ako'ng pumunta ng Manila para mag-asikaso sa university na papasukan ko. Saka gusto ko din magtrabaho muna sa karinderya ni Tita Mercedez para makaipon. Pagkatapos ng graduation ko, nagpahinga muna ako ng isang buwan. Hindi na rin ako binu-bully ng grupo ni Myra. Ako din ang naging valedictorian. N'ong

