JOY "Ineng nandito na tayo sa Cagayan Valley. Gising na, ikaw nalang ang nasa loob ng bus." Nagising ako sa nang may narinig akong boses na gumigising sa akin. Dahan-dahan ko'ng minulat ang aking mata si Kuya oala na conductor ng bus. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata saka inayos ko ang aking buhok na tumakip sa aking mukha. "Nandito na tayo sa Cagayan Valley Ineng. Ang himbing ng tulog mo. Kaya ginising na kita." Sambit ulit ng conductor. "Maraming salamat Kuya. Pasensya na po kung nakatulog ako. Kanina pa ba tayo dumating Kuya?" Magalang kung pasalamat at tanong sa conductor. "Hindi naman Ineng. Mukhang pagod ka, kaya siguro napahimbing ang tulog mo. Napansin kita kanina na umiiyak ka." Tugon ni Kuya. "Medyo Kuya napagod sa byahe. Saka nasa ospital kasi ang papa ko kaya nakita mo

