THIRD PERSON Paglabas ni Romeo sa opisina ng kanyang boss sobra talaga siyang nagtataka sa kinikilos ng kanyang amo n'ong nakita si Miss Bautista. Naguguluhan talaga siya habang papasok sa elevator dahil ayaw na ayaw ng kanyang amo na tinatawag ito'ng Brent. Ngunit ng tinawag ito ni Miss Bautista na Brent parang ang saya saya niya. Na parang nanalo ito sa lotto. Napansin ni Romeo na limang taon din na hindi niya nakita na ganun ka saya ang mukha ng kanyang amo katulad kanin. Hindi nga nakita ni Romeo na totoo ang ngiti ng kanyang amo kapag may ka meeting ito na investor. Nagtataka din si Romeo na parang slam book ang tanong ng kanyang boss kay Miss Bautista. Napangiti nalang siya dahil ganun nuon ang ginagawa ng mga classmate niyang mga babae n'ong high school sila. Uso ang slam book nu

