JOY "Baby Brianna di ba nag-usap na tayo na, ngayon na si Mommy pupunta ng Manila? Habang wala si Mommy dito behave lang muna huh? Huwag pasaway kay Mama Grasya at Papa Eric. Saka samahan mo si baby Maria Erica okay?" Kausap ko kay Brianna. Pagkatapos ko siyang paliguan at suklayin ang kanyang buhok. Pinaupo ko siya sa aming kama at kinausap. Ngayon kasi ang araw ng pag-alis ko papunta ng Manila. Kailangan ko kasi munang makapag trabaho bago ko isasama si Brianna. Sapagkat kapag hindi ako matanggap sa aplayan ko bukas. Babalik naman ako dito at dito na muli maghanap ng trabaho. Maganda kasi ang benefits at malaki ang sahod kapag makapasok ako bilang secretary kaya i-try ko muna. Araw ng linggo ngayon, kaya aalis na ako para makapag handa para bukas sa interview. Sana lang matanggap talag

