JOY "Good morning Mommy." Magkasabay na bati ni Brent at Brianna sa akin. Pagpasok nilang dalawa sa kusina. Isang buwan mula n'ong nagkita si Brent at Brianna at nag panggap si Brent na Daddy ni Brianna. Isang buwan na rin siya dito sa condo natutulog sa kabilang kwarto. Alam na rin ni Papa Eric, Mama Grasya, Lola Nicitas, Lolo Elias, Jerlyn at Mica ang tungkol kay Brent at sa panliligaw niya sa akin. Saka nagpaalam din si Brent kay Tita, Tito at Lola Neneng. Alam na rin ni Rachel at Anika. Masaya daw silang dalawa para sa akin at sana daw sagutin ko na si Brent. Sa isang buwan na panliligaw ni Brent mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya. Sobra niyang ma-alaga sa amin ni Briana. Saka gentleman. Kahit anong pilit ni Brianna na sa kwarto siya namin matulog. Ayaw ni Brent. Sinabi niya sa

