BRENT BRUCE AFTER 8 MONTHS "What are you doing here? Sinabi ko na sa'yo na ayaw na ayaw ko'ng makita ang pagmumukha mo dito sa loob ng opisina ko?" Malakas ko'ng sigaw kay Magda. Pero ang hayop ngumisi lang sa akin na parang walang hiya. "C'mon Brent! Ganyan ka na ba talaga ka galit sa akin? Ginawa lang naman namin iyun ng Daddy mo, para manatili ang pagkaibigan ng mga magulang natin. Mahal kita Brent lahat ginagawa ko para mahalin mo ako? Binigay ko na ang sarili ko sa'yo. Paulit-ulit na may nangyayari sa atin. Ano pa ba ang hinahanap mo? Nasa akin na ang lahat." Naka ngisi na sabi ni Magda. Masama ko siyang tiningnan sa parang gusto ko'ng yakapin ng mahigpit hanggang sa magkulay violet at mangisay sa sahig. "Don't call me Brent. At kahit anong gawin niyo hinding-hindi ako magpakasa

