JOY "Brent ang kulit mo, kanina ka pa. Paano ako makatapos sa ginagawa ko? Umalis ka nga muna dito?" Saway ko kay Brent. Dahil panay ang halik niya sa aking leeg habang nakayakap sa aking baywang. "Bakit masama bang mag lambing sa asawa ko? Na miss kang kita Mommy." Malambing na sabi ni Brent. Nandito na kami ngayon sa condo. Isang linggo mula n'ong may nangyaring aksidente kay Daddy Edward. At nalaman din namin ang katotohan. Nakalabas na rin siya sa ospital. N'ong pumunta si Magda sa ospital na may kasamang taga media. Kinabukasan nagpakasal kami ni Brent. Kaya totoong mag-asawa na talaga kami. Si Tita Mercedez at Tito lang ang kasama ko sa side ko bilang pamilya. Dumating din si Rachel at Anika kasama ang mga kaibigan ni Brent. Sa ospital lang kami kinasal dahil hindi pa pwedi makal

