[Donnah's POV]
I looked in his eyes as he stared down at me intently with tenderness. His arms are still wrapping around me and even if he haven't answered me, my heart is already willing to accept whatever his response is.
"Sino ka nga ba talaga? Gusto kong makilala ang totoong pagkatao ng lalaking kinakatakutan sa Knight G at dito sa KPA. Makakaya mo bang sabihin sa akin kung sino ka, Quintez?" Napaawang ang labi ko nung ibaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at niyakap niya ako na parang ngayon lang kami nagkita. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil kahit siya ang pinakamatapang na lalaki na nakilala ko ay ramdam kong... natatakot siya at hindi ko alam kung anong rason.
"I-i'm sorry. Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo pero magtiwala ka sa akin, kung ano man ang magiging desisyon ko, may malalim akong rason para roon, Don. Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari, uunahin mo ang sarili mo kesa sa akin. Mahal mo naman ako diba? Mahal mo ako, ramdam ko yun." Sabi niya na parang sigurado siya sa aking nararamdaman kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko pa man nasasabi na mahal ko siya ay proud ako sa sarili ko na naiparamdam ko iyun sa kanya.
"Mahal kita, nakakatawa lang na parang hindi kita kilala. Ibang-iba ka pala sa King na nakilala ko, Mr. Officer," biro ko habang hinahagod ang kanyang likod.
"Sinasagot mo na ba ako niyan?"
"Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan mo pang manligaw," tawa ko. Tumingin siya sa mukha ko at ngumisi. Hindi ko inakalang mahuhulog ko sa isang inosente ang virgin na katulad niya.
"Pasensya na kung hindi ko maipagsigawan kung gaano kita kamahal, pero kung dumating yung panahon na ayos na ang lahat... na kaya ko nang sabihin sayo ang mga gusto mong malaman... pangako, kahit ang pinakasulok at dulo ng mga pader ng paaralang 'to ay maikukwento sa lahat ang bawat pintig ng pagmamahal na nararamdaman ko para sayo." Kahit na naguguluhan ako sa kanyang mga sinasabi ko at ay hindi ko maiwasang mapahanga lalo na nung marinig ko ang malakas na pagkalabog ng aking puso.
We were stunned when we suddenly heard the calling sound coming from the speakers in every edge of the hallways. Nagkatinginan kami at malungkot siyang ngumiti sa akin bago maingat na hinaplos ang pisngi ko.
"Bibisitahin kita kapag maluwag yung schedule ko, so for the mean time, don't try flirting with other guys," paalala niya sa mahinahon na boses at malumanay na nakangiti sa akin. His smile made my heart beat stopped, leaving me breathless. Only love can make me feel like this.
He left the room after giving me a quick kiss on the forehead. I was gawking as I felt my face getting hot from the kiss he gave me. It was just a simple kiss on the forehead, but the effect it did to my system is unexplainable. Iba rin talaga ang galawang King.
Iniling ko ang ulo ko nung mahimasmasan ako sa wakas at doon lang sumagi sa isip ko na ihing-ihi na pala ako. Bigla akong napahawak sa puson ko dahil parang lalabas na talaga. Shuta ka, King!
.
Panalo yung Lakewood sa soccer, pagdating ko kasi sa soccer field ay tanging si Hannah na lamang ang naabutan ko at yung mga taga-linis.
"Sorry, nagkausap kasi kami ni King."
Namilog ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "Really? Kasama ba niya yung mga ibang Officers?"
"Mag-isa lang siya. Mukhang ayaw niyang may makakaalam na taga-KPA especially yung mga Officers."
"Bakit kaya?" Kumibit-balikat ako bilang sagot. Kahit ako, gulong-gulo rin pero may tiwala ako kay King at kung ano man ang hihilingin niya ay hindi ako magdadalawang-isip na pagbigyan siya. I owe him my salvation.
Bumili kami ni Hannah ng snacks sa cafeteria. It was nice na merong mga finger foods na nakalagay sa puyo, pero mas nice kasi may pera na akong pambili ng snack, all thanks to King.
"Saan kayo?" Tanong ko kina Samara nung maabutan sila namin pagkalabas ng cafeteria.
"Sa basketball court, may laro ang Aslavina at Lakewood. Manonood din ba kayo?"
"Nood tayo?" Bumaling ako kay Hannah at tipid siyang tumango kaya sumama kami sa kanila papuntang gym.
"Takaw mo naman, e. Tama na yan!" Suway ko kay Mark nung halos maubos na niya yung cropic ko. Kung hihingi ba naman ay halos mapuno na niya yung malapad niyang palad sa pagkuha ng cropic sa puyo.
"Saan mo ba 'to binili?"
"Sa library, Mark. Sa library," sarkastiko kong sagot at mataray siyang nginitian.
"Pilosopo mo naman. Saan nga?"
"Edi sa cafeteria! Kita mong kakalabas lang nila roon nung nakita natin sila." Nakatanggap siya ng batok mula kay Lianne, I can't bs more thankful na siya na yung bumatok para sa akin.
"Oy, tuloy tayo sa galaan mamaya?"
"Anong oras ba matatapos yung inter-high."
"Alas siete yata, sa volleyball kasi at pingpong ay nakailang rematch ang naganap."
Sinabihan ko si Rachel na baka alas seis na ako makakauwi. Hindi ko na pwedeng bawiin yung sinabi ko at tsaka, alas singco naman ay pwede nang umuwi. Dapat maging good girl ako, I need to kill those bad habits that had grown in me. Binayaran din kasi ni King si Rachel na mag-report kung ano yung ganap sa aming dalawa ni Elaine.
"Anong quarter na?" Tanong ni Hannah habang nginguya ang biniling french fries nung sa wakas ay nakahanap kami ng upuan. Madaming bakante kasi nagkalat yung mga audience sa dami naman kasing sports na ganap.
"Second."
Katulad nung kanina sa soccer ay dikit din ng laban. Nakakapagtaka lang na hindi gaano ka-intense yung mga audience. Hindi sila nag-iingay tuwing may agawan na nagaganap o three-point shooting. Mas energized nga dapat kasi sikat na sports ang basketball sa Pilipinas pero mas buhay na buhay pa kanina yung laro sa soccer.
"Anong ganap? Bawal ba tayong humiyaw?" Bulong ni Anne kay Samara na tiyak kong nagdadalawang-isip kung magchi-cheer ba o pormal lang na magpapalakpak.
"Yung Student Council Officers ng KPA kasi... nanonood din." Agad akong napatingin sa direksyong tinuro ni Samara at nakita ko agad ang kompletong Officers ng KPA na nakaupo hindi kalayuan sa announcer.